Celine's POV
Lahat naman ng magagandang kwento nagsisimula sa akala nating normal na araw, diba? Sige, simulan natin dun.
"I'm bulletproof, nothing to lose. Fire away, fire away..." sigaw ng cellphone ni Kate.
Ang lakas na nga ng alarm ng cellphone ni Kate, hindi parin siya magising agad. Binato na siya ni Jill ng unan at salamat naman ay nagising na.
Ganyan ang buhay sa dorm namin. Tatlo kaming magkakasama - ako, si Kate, at si Jill. Ito ang pinapangarap namin nung high school pa kami, ang magsama-sama sa isang university at sa iisang bahay.
Med Tech ang kinukuha ni Kate habang Economics naman si Jill. Si Kate balak mag-aral ulit para maging doctor. Si Jill naman, balak pumasok sa Law school. Ang bigatin ng mga kaibigan ko no? Kung pagbabasehan ang pag-describe ko sakanila, iisipin niyong mga nerds sila. Dyan kayo nagkakamali. Malalakas din topak ng mga 'to at madalas nakakasabaw kausap.Kaya kaibigan ko 'tong mga 'to e.
----------------------------
Jeric's POV
Hay, nauna nanaman ako magising sa alarm clock ko. Sayang ang 3 mins. Matulog kaya ako ulit? Wag na nga lang, baka sabunin na naman ako ng prof ko pag na-late ako.
Tinignan ko ang cellphone ko at nagbasa ako ng new text messages:
From: Mommy (6.34am)
Papaalala ko lang, you have to be here in Paranaque before lunch on Saturday. We're going to your lola. Tc.
To Mommy:
Yes, Ma. I'll be there.
From: Mommy (6.32am)
kuyaaaaaaaaaa it's saaaaaaam. im excited to see youuuuu :) :) :)
To: Sam
Saaaaaaaaam! Kuya is very excited to see you too. I'll bring your favorite. :)
Natutuwa talaga ako pag si Sam ang nagtetext. Good morning talaga.
From: Jeric Teng (2.56am)
Bro, kita tayo sa may field bago pumasok. Importante.
Ano kaya sasabihin ni Teng? Minsan lang 'to a. At ang aga niya ata nagising?
From: Girlfriend ♥ (1.24am)
I'm sorry, Jeric. I'm really, really sorry. It's over.
Hindi ko alam kung anong una kong mararamdaman - galit ba na nakipagbreak siya sa text lang at walang explanation, lungkot dahil wala na kami, sakit?
Matagal na kaming malabo ni Frances. Halos isang buwan na rin kami hindi masyado nagkikita at nagkakausap. Hindi ko alam ako ba ang nagbago o siya. Pinipilit ko parin gawin yung mga madalas namin ginagawa dati pero parang wala nalang sakanya. Ano nga bang saysay ng isang relasyon kung isa lang ang lumalaban diba? Hinayaan ko nalang at umasa ako na siya naman ang unang lalapit, makikipag-usap, bibisita. Siya nga ang nauna, nauna tumapos ng relasyon.
Dapat ko na pala palitan yung intro ko no?
Hi, I'm Jeric Marco Gray Fortuna - taking up Business Administration major in Marketing Management, captain of the UST Growling Tigers, WAS in a relationship.
YOU ARE READING
Expected, but not really.
FanfictionHi, I'm Jeric Marco Gray Fortuna - taking up Marketing Management, captain of the UST Growling Tigers, currently in a relationship. ---------------------------------------------------------------------- Hi, I'm Karla Celina Herrera Madrigal - taking...
