Jeric's POV
To: Celine Madrigal (11.41pm)
Hoy wag ka muna matutulog ha, baka bangungutin ka. Kaso sa dami ng kinain mo bukas ng gabi ka pa pwede matulog ulit. Hahaha
From: Celine Madrigal (11.48pm)
So nagtext ka lang talaga para mang-asar no? Haha Wag ka mag-alala, Cap. Wala akong planong matulog ngayon. Marami pa akong gagawin. Ughhh.
To: Celine Madrigal (11:50pm)
Medyo, Haha ano pa ba mga gagawin mo? Busy talaga ah.
From: Celine Madrigal (12:01am)
Plates, term paper, proposal sa org. Nagsabay-sabay kasi e.
To: Celine Madrigal (12:02am) Wow. Ano oras mo balak matulog niyan?
From: Celine Madrigal (12.14am) Kung anong oras matapos. Haha Ikaw ba? May training kayo mamaya a.
To: Celine Madrigal (12.16am)
Oo, matutulog na ako. Baka masigawan ni Coach e. Haha Tapusin mo na rin yan agad para makatulog ka na rin. Good night, Celine! :)
From: Celine Madrigal (12:20am)
Sana nga. Haha Good night, Cap! :)
--------------------------------------------------------
Celine's POV
"I'm bulletproof nothing to lose... Fire away, fire away..." sigaw ng alarm ni Kate. At oo, gising pa ako. Paulit-ulit kasi ako sa plates ko. Hindi ako makuntento sa mga nagawa ko. Hay buti nalang effective yung energy drink.
"Hindi ka nanaman natulog?" sabi sakin ni Jill. Medyo sanay na kasi silang nag-aabot kami ng tulog at gising.
"E kasi hindi ako satisfied sa plates ko e. Kaya inuulit ko. Alam mo namang napaka-strict yung prof ko. Ayoko mapunitan ng plate sa harap." hanggang ngayon kinikilabutan parin ako nung pinunit ng prof namin ang gawa ng isa naming classmate.
"Seriously? I do not settle for mediocrity" paliwanag ng prof namin "and neither should you guys. Stretch your minds, think outside the box. Fine Arts students pa naman kayo." Grabe talaga siya. Pero mabuti na yun at nacchallenge kaming lahat.
"Pero kasi naman anong oras ka na ba nakabalik kagabi? Parang 10pm ata wala ka pa" sabi ni Kate "
Mga 11.30 na rin, gumawa ako ng props tapos nagdinner kasama sila Kim" sagot ko
"Ah. So kasama mo nanaman si Fort? Yiiii. Kayo a." pang-asar ni Kate
"Oo, pero kasama nga rin sila Kim diba? Haha" sabi ko at pumunta na ng CR si Kate.
Sa wakas tapos na ako! Kuntento naman ako sa nagawa ko. Sa tingin ko nga maganda ang nagawa ko. Sana ganun din tingin ng prof ko. Tinignan ko ang relo namin kung may oras pa ba ako matulog. 8am na, 10am ang pasok ko. Sige, magpopowernap nalang ako ng isang oras.
Niligpit ko muna yung mga gamit ko at hinanda ko na lahat just in case na magmadali nanaman ako.
~~~
*alarm*
*snooze*
*alarm*
YOU ARE READING
Expected, but not really.
FanfictionHi, I'm Jeric Marco Gray Fortuna - taking up Marketing Management, captain of the UST Growling Tigers, currently in a relationship. ---------------------------------------------------------------------- Hi, I'm Karla Celina Herrera Madrigal - taking...
