Chapter 21: Number Twenty-One

597 9 2
                                        

Celine's POV

Pagpasok ko ng main door, mga lalakeng maraming pulbo sa mukha ang bumungad sakin. Naglalaro sila ng cards kaya naman pala. Natawa ako sa mga itsura nila.

"Gwapo naman ng mga bumungad sakin! Hahahaha"

Si kuya JV naman unang nagsalita "Ang ganda naman ng bumungad samin. San ka galing? May date ka no? Dalaga na little sis namin!"

"Haha kuya JV naman nagdinner lang ako with friends, date agad?"

"Friends. E si Fortuna kaya kasama mo." sabi ni kuya

Napuno ng "Yiheeeeeee!" ang living room.

"Kasama ko rin kaya sila Sam. Kaya nga friends e." defend ko.

"Wag ka na magpaliwanag, ipakilala mo samin yan nang makilatis! Haha" biro ni kuya Joseph.

"Tagal mo naman dumating, Madrigal. Kanina ka pa hinihintay ni Teng e." sino pa bang tumatawag sakin ng Madrigal?

"Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita, Torres, mang-aasar ka pa. Hindi ka lang ba muna mangangamusta? Teka, nasan nga pala si Jeron?" sagot ko kay Thomas

"Uuuuuy hinahanap!" asar ni Luigi sakin

"Bawal na ba maghanap ngayon?" sabi ko kay Luigi

"Joke lang, Celine. Nagcharge lang ata ng phone. Kanina pa ata hinihintay text mo e. Haha"

"Hoy, Luigi. Ano pinagsasasabi mo dyan?" Napatingin kami dahil si Jeron ang nagsalita. "O, ikaw Karla bakit ngayon ka lang?"

"Tatay lang ang peg? Haha Hoy Alvin sabi ko kaya sayo after dinner ako makakauwi."

"Ehem ehem. Nakakaiistorbo ata kami sa LQ niyo, Karla and Alvin." sabi ni Thomas na sinundan naman ng malakas niyang pagtawa. Pati sila kuya, nagtawanan din.

"Kaso pano ba yan Jeron, si Fortuna kasama magdinner kanina" sabi ni kuya Mac

"Ayos lang yun, kuya Mac. Sakin naman siya umuwi e." sagot ni Jeron. Napanganga lang ako sa sagot niya habang yung iba nagtawanan nanaman.

Binato ko ng throw pillow si Jeron. "Hoy, Jeron Alvin Uy Teng anong pinagsasasabi mo?"

"Hahaha Loko lang, Karla. Tagal mo kasi e."

"Kasalanan ko pa?"

"Ehem ehem. LQ ulit. Ehem ehem." si Luigi naman nang-asar.

"Ewan ko sa inyo. Magbibihis nga muna ako. Ikaw, Alvin. Umayos-ayos ka a. Haha"

"Ganda mo pala pag naka-dress ka" sigaw sakin ni Jeron nung paakyat ako.

"Matagal na!" sigaw ko pabalik.

Pagkatapos ko magbihis, bumaba ako para manggulo sakanila. Pagdating ko, malinis na ang mga mukha nila at nagseset-up na sila manood ng DVD.

"Ano papanoorin niyo?" tanong ko

"Tara na dito. Shutter papanoorin namin" sabi sakin ni kuya

"Eh horror? Ayoko nga. Kayo nalang. Tsaka wait lang, hindi naman sa pinapaalis ko na kayo pero bakit nandito pa kayo?"

"Mag-oovernight kami." sagot ni kuya Joseph. "tagal mo kasi kanina e. Namiss ka namin"

"Ang sweet nga naman talaga ng mga kuya ko o!"

Expected, but not really.Where stories live. Discover now