Chapter 13: Rematch

678 9 2
                                        

Celine’s POV

Feeling much better kaya papasok na ako. Medyo napraning parin ako kahit nasa dorm ako kasi feeling ko marami parin kailangang gawin. Workaholic ang peg? Haha

“Hi, Mimi! Hi, Ria!” bati ko sa kanilang dalawa

“Uy buti naman okay ka na. Medyo worried si Fort sayo nung nakasalubong naming siya” sabi ni Ria

“Ah oo, dumalaw nga siya kahapon. Ayun”

Hindi ko na kinwento sakianila ang mga nangyari dahil ayokong isipin na meron, The less the people who know, the better.

“Ang sweet naman ni Fort! Feeling ko si Teng ganun din.” Sabi ni Mimi

“Hahaha hanggang ngayon si Teng parin? May Tina na siya e.”

“Okay lang, hindi naman ako selosa” sagot ni Mimi. Tawa kami ng tawa sa sagot niya. Spoken like a true #SuperFangirl

Nagcheck muna ako ng phone ko dahil wala pa ang prof namin.

From: Thomas Torres

Madrigal! Magcclaim na kami ng premyo mamaya. Hahaha What time uwian mo?

To: Thomas Torres

Seryoso ba yan, Torres? Hahaha

From: Thomas Torres

Oo nga! Wala kasi kaming practice ngayon kasi may meeting yung coaches and officials ng athletic department. Kaya nagdecide kami pumuntang Espana. Magsspy narin kami sa basketball team niyo. Joke! Haha

To: Thomas Torres

Ginamit mo pa ako! Haha 4pm uwian ko. San niyo ba gusto?

From: Thomas Torres

Sakto. 3pm uwian namin. Kahit saan! May Shakey’s diyan diba? Happy na kami dyan. Hahaha

To: Thomas Torres

Ugh. Fine. I’ll meet you there nalang. Kainis. Haha

From: Thomas Torres

Yes! Hahaha See you!

Hay nako tong mga to. Kala ko pa naman kinalimutan na nila yung pustahan namin. Omg makikita ko ulit si Jeron! Ay ano ba yan kilig nanaman ako.

Medyo late na nagpadismiss yung prof kaya dumerecho na ako sa Shakey’s. Tatawagan ko nalang muna si Thomas bago lumabas ng gate para sabihin na papunta na ako.

Me: Torres, papunta na ako.

Thomas: Bilisan mo andito na kami. Gutom na kami. Hahaha

Me: At nauna pa talaga kayo sakin? Haha Sige, tatawid nalang ako. See you.

Thomas: Okay, ingat!

Pagdating ko ng Shakey’s parang iisang table lang tinitignan nung mga tao at may kutob na ako kung sino ang mga andun. Sinundan ko ang mga tingin nila at tama ako. Si Thomas Torres, Luigi dela Paz, at Jeron Teng ang pinagtitinginan nila. Siyempre naman, Archers mapapadpad sa area ng Tigers (and vice versa) mapapatingin ka talaga.

Madrigal!” sigaw  ni Thomas nung nakita niya ako. Ano ba yan napatingin pa tuloy yung mga tao sakin. Pakiramdam ko sinasadya nito e.

“Ano ba yan, Torres! Minsan ka na nga lang mapadpad dito iskandaloso ka pa.” bati ko sakanya. “Hi, Luigi. Hi, Jeron!”

“Hi!” bati nila sakin

“O, ano na kakainin natin? Gutom na kami. Ang traffic sa Quiapo e!” sabi ni Thomas

Expected, but not really.Where stories live. Discover now