Chapter 22: Number Twenty-One Part II

614 10 4
                                        

Celine's POV

"Celine, andito na tayo." Medyo disoriented pa ako kaya nagulat ako nung si Jeron pala gumigising sakin.

"Ay sorry ang tagal ko ata nakatulog" sabi ko kay Jeron

Tumawa lang siya at sinabi "Okay lang yun. Nauna na sila Thom sa loob para magreserve ng seats. Tara na?"

Inayos ko sandali sarili ko at bumaba na ng kotse. Pagdating sa loob, hinintay pa namin sila kuya bago kumain. 

"Tagal naman ni kuya, gutom na gutom na ako." reklamo ko

"Celine, wala namang bago dun e. Haha" sagot sakin ni Luigi

"Nako., Luigi. Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising na gutom. Hahaha" sabi ko sakanya

"Hindi naman biro yun e. Hahaha"

"Che. Pasalamat ka magkaibigan tayo. Haha Nasan na ba daw sila?" tanong ko sakanila

"Mga ten minutes daw nandito na sila" sagot ni Thomas

"Sino kaya yung ipapakilala ni kuya. Wala naman siyang kinukwento." sabi ko

"Nagseselos ka na ba agad? Hahaha" tanong ni Jeron

"Ayos lang yan, Celine. Di pa naman magpapakasal kuya mo e. Haha" dagdag ni Luigi

"Ewan ko sa inyo. Haha"

Sakto dumating na sila kuya JV, kuya Mac, kuya Joseph kasama ang mga girlfriends nila. Huling dumating si kuya at yung babaeng kasama niya. Dahil magkakilala na kami ng mga girlfriends nila kuya JV, Mac, at Joseph, nagbeso kami at nagkamustahan sandali. Lumapit naman sakin si kuya at yung kasama niya.

"Celine, this is Hannah, my girlfriend. Hannah, this is Celine, my one and only sister" pakilala samin ni kuya

"Hi, nice to meet you Hannah" sabi ko sa kanya.

"Hi, Celine. Madalas ka kinukwento sakin ng kuya mo. I'm glad to finally meet you. Mas pretty ka pa sa personal kaysa sa pictures" sagot niya sakin. Maganda siya at mukhang mabait naman. Siyempre pinuri niya ako e. Haha

"Thanks" at ningitian ko siya

"O tara, kain na tayo guys" yaya ni kuya. Yan ang hinihintay ko. Ang saya ko pa kasi breakfast buffet kami. 

After breakfast, nagkwentuhan sandali dahil lahat kami busog na busog. Pagkatapos, akala ko sa Sky Ranch ang punta namin. Yun pala, E.K. daw. Gusto lang daw talaga nila mag-breakfast buffet sa Tagaytay. 

Pagdating namin sa EK, naghiwa-hiwalay ang mga lovers kaya kaming apat nila Jeron, Thom, at Luigi ang magkakasama. Una naming sinakyan ang Rio Grande. Buti nalang swerte ang pwesto ko. Si Thomas ang laging nababasa samin kaya siya pinagtatawanan namin. Nung makabalik na kami sa starting point, nauna umalis ng raft si Luigi. Sumunod naman si Jeron at inalalayan ako pagstep sa platform. Akala ko bibitawan na ni Jeron ang kamay ko pero hawak parin niya hanggang sa palabas na kami ng ride. Tinapik naman ako ni Thomas na nasa likod ko at ngumingiti habang tumitingin sa kamay namin ni Jeron.

"Baliw ka talaga, Torres" sabi ko sakanya. Napatingin si Jeron pero hindi parin siya bumibitaw.

"Ano meron?" tanong niya. Seriously, Jeron? Unaware ka ba na hawak mo pa kamay ko? Pero siyempre hindi ko na tinanong.

"Wala, bro. Push mo lang yan." Tawang-tawa ako sa sinabi ni Thomas. Maka-"push" naman kasi. Haha

Next namin sinakyan ang Flying Fiesta. Habang papunta kami sa next ride, hinawakan ulit ni Jeron ang kamay ko. Tinignan ko siya at nakangiti lang siya sakin. Bakit ganun, magkaiba nararamdaman ko pag si Jeron may hawak ng kamay ko compared kay Fort.

Expected, but not really.Where stories live. Discover now