"Klea! Bakit wala pa atang students dito?" Ako


Oo naman kasi ang laki laki ng school na toh eh wala pa namang mga students. Asan sila? Baka naging halaman o hayop?


"Kasi ate bukas pa ang pasukan, kaya buti na lang nakita kita agad kaya makakapagaral ka pa dito."- klea



"E, Wala naman akong bayad pang tuition eh."- ako


"Ano ka ba ate, libre dito! Ang mga taong may kakaibang kakayahan ay ginagawang espesyal kaya naman dito ka nararapat hindi sa lugar na kung saan ka binubully."- Sya 



"kung gusto mo, balik ka muna sa ampunan tapos hingi ka pera tapos bigay mo sakin" sya sabay bungisngis. 

Mukang pera to! Hindi ko nalang pinansin. Mas nagiging bobo ako sa batang to jusmiyo santa maria santa cruz talaga naman oo!


Tumango tango nalang ako sakanya. Kung sa bagay mas kampante ako dito mamuhay.
Mga tao ba dito ang mga kalahi ko? Sana naman oo. Sawa na akong tawaging alien at abnormal eh nakakahiya naman sakanila parang gusto nalang burahin ako sa mundo. 


Baka nga dito naman kasi talaga ako? Just like this kid baka nga eto yung mundo na hinahanap ko kung saan nandito mga kauri ko? 



"Tara na "- sya


Ayan hinila na nanaman nya ako, langhiya talaga eh, lagi nalang ako hinihila. Nagpapahila naman ako, so sinong bobo saming dalawa? 


Huminto kami sa isang pinto. 


Agad naman na kumatok si Klea at pumasok. Nadatnan namin ang isang babaeng napakaganda! She looks like a fairy to me, ang ganda nya. 



" oh! What's bring you here little ones?" Her voice is so good! 



"Mam Jea sya po si ate Venice dito na po sya magaaral. Sinama ko po sya dito kasi nararamdaman ko po na isa sya sa atin kasi nakapasok sya dito sa mundo natin."- Klea na tuloy tuloy ang pagpapaliwanag.


The Mam Jea looked at me nahiya ako bigla kasi naalala ko hitsura ko. "Oh i see! Anyway, sige may tiwala ako sa batang ito tatanggapin kita sa academy na ito, alam kong mabilis pero you need to be here kasi ito ang mundo mo." Iyong Mam Jea. 


That fast?! Bawal ako mag decide? Walang tanungan kung kaya ko magbayad ng tuition? pinasadahan nya ng tingin ang katawan ko, saka kinuha ang isang set ng uniform. Alam nya agad size ko? powers ata nito manghula ng size ng kauri nya.


Napatanga lang talaga ako. I mean ayoko na! Tama na, sasabog na utak kong walang laman.


The Long Lost Powerful Princess (Book #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon