Chapter 1

2.1K 17 3
                                    

"Eh asan ba kase nakalagay?" tanong ko kay Chino. "oo nga pagod na pagod na ako kakaikot." angal ni Trina,. "alam ko kase dito yun eh." sabi ni Chino sabay turo sa isang shelf sa isang bookstore. Yep, tama ang narinig mo nasa bookstore kame nila Chino, Trina at Anya. Kung ang tumatakbo sa isip mo ngaun ay, 'okay! nasa bookstore kayo oh tapos? ano mangyayari.?' Hindi mo talaga ako kilalang maigi (kaya mabuti pa basahin mo ang prologue-characters nito para makilala mo ako ng maigi pati na din ang mga tao sa buhay ko ;)). Pero kung ang iniisip mo naman ay 'weh?!?!?! di nga?!? kayong 4 mag pupunta sa bookstore? joke yun?' ayan kilala mo nga akong maigi. Never kase talaga kaming 4 na pumunta ng bookstore, pwera na lng kung pilit na nagpapasama ang iba naming kaibigan na sila Yanna at Felize, pwera if freewill naming 4 naku no way!

Lumayo ako sa kanila ng slight, para mas mapabilis ang paghahanap namin dun sa mahiwagang librong sinasabi ni Chino. Kanina pa kami paikot -ikot sa bookstore na to, pero wit! waley! di namin ma-sight ang libro. kung hindi lang talaga importanteng mabasa ko ang nialalaman nyon eh hindi ko pagtitiyagaang hanapin ang librong yun.

Habang hinahanap ko ang librong yun. May naramdaman akong nakatitig sa akin sa bandang likuran ko, hindi ko na sana papansinin dahil sanay na ako na may na-sstartruck sa taglay kong alindog, kaso iba eh sobra makatingin yung mata nayun parang mangtutunaw. Bago ko pa tuluyang iangat ang paningin ko ay nakalapit na sa akin ng tuluyan ang nagmamay-ari ng mga matang iyon. "Hey hot stuff." bati ng lalaking nagmamay-ari ng matang mapangtunaw. "Hey to you too! handsome" ganting bati ko naman sa kanya. kahit sa totoo lang hindi ko na maalala ang pangalan nya at hindi naman talaga sya kagwapuhan. (ows?) Tsss.. nagreact ata ang logical part ng brains ko, okay fine! medyo gwapo nga sya. (medyo lang?) ay ang kulit! ayaw paawat! fine!! oo na gwapo na! as in! gwapong gwapo.. Define Gwapo: edi gwapo! matangkad, mestizo, brown eyes, red lips, matangos na ilong, lean muscular body. at kung ire-rate ko sya, he'll definitely be a 10!A perfect 10. o ayan na okay na?!?! kalurkey!

"So, what does the Royal hotness doing here?" tanong nya sa akin, ng ibinalik ko na ang aking paningin sa mga shelves. Dahil sa totoo lang wala ako sa mood makipag-flirt ngayon, medyo pinababa nya pa ang boses nya para maging seksi sa pandinig, and in fairness effective! bumalik ang interes ko sa kanya. "Well, I was just helping my friend look for this certain book." maarte kong sagot sa kanya. "would you want me to help you my dear?" tanong nya sa akin, kanina pa ingles ng ingles ang isang ito huh! nakakayamot na! oo tumira ako sa states ng halos 2 taon, pero hindi ibig sabihin non hindi na ako marunong magtagalog! aba eh! Pilipinas kaya ito! Hindi pa ako nakakasagot ay umakma na din syang naghahanap ng libro at nakatingin nadin sya sa mga shelves. akala ko seryosng tulungan ako, ng bigla kong naramdamang nakaakbay na sya sa akin. Ay! Eggspot! lalaki nga naman oh! Pero dahil pinapangalagaan ko ang reputasyon ko bilang flirt at tease, kaya hinyaan ko na lang the flirting keeps the every guys interest,kaya kahit ayoko eh ginagawa ko.

tuloy pa din ako sa pag hahanap nung libro, tapos bigla kong naalala na hindi ko naman nasabi sa damuhong ito ang title ng libro na hinahanap ko, eh anong ginagawa nito? noon ko naramdaman na bumababa na pala ang kamay nya, mula sa balikat ko ay sa baywang ko na ang mga kamay nya and worst eh gumagapang pa ang mga kamay nya sa baywang ko. medyo gumgalaw kasi ang mga kamay nya mula sa baywang ko hanggang sa balakang ko. parang sinusukat nya. Nak ng tinapang eggspot! pag hindi mo tinigilan ang pagpifieldtrip nyang kamay mo sa baywang ko makakatikim ka na sa akin! ngani nganing isigaw nya iyon sa lalaking ito. Pero, dahil iba ang pino-project kong image, ay pinigilan ko ang aking sariling putulin ang kamay ng gwapong nilalang na ito. "Honey! my hips would feel waaaay better without my clothes on, so if I were you, Imma save those energy for latuuuh.." sabi ko sa kanya, sabay alis ng kamay nya sa baywang ko at kinindatan ko pa sya, and then naglakad na ako papalayo sa kanya baka kase isipin nyang meron talagang "latuuuh" at singilin ako.

Napangiti ako ang Bright bright ko talaga! hehehe! I'm such a smart B!+ch... hindi pa ako tapos purihin ang sarili ko sa magaling kong pag-arte ng marinig ko ang pagtili ni Chino mula sa isang bahagi ng bookstore. dali dali akong tumakbo sa pinaggalingan ng tunog Hoowmaygawd! baka nirerape na si Chino ng kung sinong lalaki o baka naman ng isa sa mga frustrated nyang girl admirers??

pero nung natunton ko ang lugar nya ay hindi ko alam kung marerelieve ako o ako na mismo ang magpapahalay sa kanya sa mga girl admirers nya. "Kaloka ka Chino! akala ko nirerape ka na! maka tili ka naman! anong meron?" "Ay! ako marerape?? parang bet ko yan! sa bookstore pa ang setting that's kinda hot!" maarteng sagot nito na parang kinikilig pa na marerape sya. ang kati talaga ng beking to! "tse! hot ka dyan! kala mo naman si arlene kaya ang manrerape sayo!" ganting asar ko dito, si Arlene ang isa sa mga numero unong admirers ni Chino at pinaka masugid na iconvert si Chino from Beki to otoko (otoko - beki language meaning straight guy ;)) "ay tigilan mo nga ako kung ayaw mong ma embey ako sayo!" inis nito. "hay! you two, tigilan nyo na yan.. " saway sa amin ni Anya. "yeah! look! nakita na namin yung Book!" excited naman na sabi ni Trina. "ay trulilee! eto oh!" sabi naman ni Chino at inilabas mula sa likuran nya ang isang maliit na hard bound book na color purple na ang title ay naka embossed ng lightly at pink ang font color. Binasa ko ang title ng librong hawak-hawak ni Chino, "How to win your dream guy"

Eto na yun! wala nang urungan! This is it pancit!

How to Win Your Dream GuyWhere stories live. Discover now