Karma #27: Last Game

52K 409 11
                                    

Chapter 27

Max's POV






GAME OVER





Parang nag slow motion ang paligid ng sipain ko kanina yung bola. Kasabay noon na nag ring yung bell.





Pumasok yung bola sa goal! Pumasok siya pero nagrereklamo yung kabilang team. Naabot daw sa time.





Walang makapagdiwang sa amin habang busy na nagtatalo-talo yung mga umpires at mga coaches. Maski ako at yung goal keeper ng kalaban team kasama sa diskusyunan.





Nakailang paulit-ulit din yung video. Naka-slow motion pa nga.





Pinagpapawisan na ako ng malamig habang ginagala ko yung paningin ko sa bleachers nagbabakasakaling makita ko si Dallen.





Bakit kailangang ang game na 'to ang mag decide ng buhay ko? Para akong nabibinging nakatayo sa gitna ng field. Hindi na pumapasok sa utak ko yung pinag-uusapan nila. Hindi ko na rin marinig yung hiyawan ng mga audience. Ang nakikita ko na lang ay yung pwedeng mangyari pag natalo ako. Hindi ko na makakasama si Dallen?





Napalingon naman ako sa mga kateam mate ko na papalapit sa akin. May sinisigaw silang hindi ko marinig ng maayos hanggang sa may dumamba sa akin.





"EDWARD! YOU GOT IT MAN!"





"WE'RE NOT OVER!"





Naguguluhan man ako pero naiintindihan ko na ang mga nangyayari. Coach nodded in happiness, everyone came near me. The most unexpected part is when they lifted me.





Ibig sabihin counted ang pagsipa ko at may isang laban pa kami para manalo.





At may pag-asa pa ako kay Dallen.





Tama, si Dallen!





Pagkababa nila sa akin kaagad akong nagtatakbo papalabas ng stadium pero napahinto ako.





I saw Dallen at the exsit. She's wearing a simple shirt and jeans but she's hot as usual. Lutang na lutang sya sa nakararami.





Nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko mapigilan ang pananabik ko sa kaniya.





"I missed you." I whispered.





"Hindi ka nanalo that means you don't like me."





Napabitaw ako sa kaniya at tiningnan sya ng hindi makapaniwala. "W-wa..a.." Hindi ko alam sasabihin ko.





She rolled her eyes and crossed her arms under her chest.





"Wait! Draw ang laban. I still have another game to prove myself."





Tinitigan niya lang ako. Hindi ko malaman kung anong iniisip nya pero kinakabahan talaga ako.





"Then prove it."





"Sandali nga, panibagong challange na naman?"





"Nagrereklamo ka?"





"Kasi naman..." Limang taon na kaya akong naghintay.





"Take it or leave it."





"I'll take it." I smirked.





Dallen's Sweet KarmaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang