Karma#13: Realize

60.1K 443 6
                                    

Chapter 13





Max's POV

Isang isa na lang talagang saway sa mga katulong na to malalagutan na talaga sila.

"Nakita mo yun? Holo pano na si Sir?"

50%

"Kaya nga, kala ko ba sila na? Pero bakit dun sa balita."

80%

"Baka mas papable si Rodrigo Gomez."

100%

.

.

.

.



"WILL YOU PLEASE SHUT UP YOUR BIG MOUTH THE TWO OF YOU! Gusto nyo bang masisante?"

Natakot naman sila sa pagsigaw ko. Kaagad ko namang pinagsisihan yung ginawa ko pero hindi ako nagsorry. May kasalanan naman sila at langyang yan.. Nahahawa na ako sa pananalita nung malanding babaeng yun.

Damn! Makaalis na nga muna.







<3





Nag coffe shop na lang ako. Linggong linggo walang magawa kundi magkape na lang.

"OMG! Nililigawan pala ni Rodrigo Gomez si Dallen dela Torre? Sayang si Rodrigo."

Napatingin ako sa likod ng pila.

"Kita mo yung kiss sa fashion show? Kakakilig! Swerte ni Dallen." Sabi noong isa pang babaeng nasa harap ng pila ko.

"Bakit? Maganda naman si Dallen." Sabat nung boyfriend nya ata.

"One Java Chips, Venti." Sabi ko doon sa cashier noong ako na yung oorder.

"Name sir?"

"Mrs. Edward."

Hindi ko alam kung bat yun yung pinagalan ko sa cup ko. Hell! She's messing with my head.

Habang naghihintay nung order ko mang bwiset na mga empleyado nagkukwentuhan mga lalaki pa naman.

"Trending kaya sa twitter."

"Nakita ko nga. Kung ako yun sinungaban ko na sa labi si Dallen."

"Ang hot kase pare noh?" Sagot nun tapos inabot yung order ko. "Mrs. Edward."

Pagkakuha ko sadya kong itinapon sa sahig yung binili ko kaya nilinis nila. Silang dalawa talaga at hindi pa rin natatapos yung pagkukwento tungkol doon sa malanding babaeng yun!

Sa sobrang asar ko tinulak ko yung isa kaya nabungo nya yung isa pa kaya sumubsob silang dalawa. Buti nga!

Dedma lang ako. Bumili uli tapos umupo na sa nagiisang bakanteng table.

"Oy Max." Napatingin ako sa tumawag sa akin. "Patabi ah."

"Sige pre." Si Jhon pala yun, ka team ko.

"Ang tamlay mo ata?"

"Gutom lang." Sagot ko.

"Gutom tapos kape? Magpapakamatay ka ata."

Natawa ako ng bahagya dun.

"Ano bang problema? Lagi ka na lang wala sa practice natin, mawawala ang pag-asa mo nyang maging captain."

Dallen's Sweet KarmaWhere stories live. Discover now