Karma# 15:Truth

63.1K 511 8
                                    

Chapter 15

The party went well, syempre ako ang pinaka-magandang director ng company namin.

After the party niyaya ako ni Rey lumabas. Yes, if you still remeber him, Rey Lim? Yung kadate ko dati.

Actually, he's good for not telling my Mom about my status. Well, sa tingin ko hindi naman sya naniwalang kasal kami ni Max.

"I order a drink na mababa ang alcohol content." Ngumisi sya. "Baka kung ano na namang eksena kung malasing ka."

"Hoy ah, for your information, hindi ako lasing nun."

"Okay, sabi mo eh."

Nagkwetuhan kami. In fairness masaya sya kasama. Kahit na business yung usapan namin nahahaluan nya ng nakakatuwang bagay.

"What do you think?" Tinatanong nya kung ano daw yung hula kong ginawa nung secretary nya ng naabutan syang constipated sa office nya.

"Uhmm.. Pinainom ka nya ng gamot?"

"No. Inalalayan nya ako papunta sa banyo at sumama sya sa loob."

"OMG!" Natatawa naman ako sa secretary nya. "So, ano? Pinaalis mo ba sa banyo?"

"Alangan namang mag stay sya dun di hindi na ako nakapagbawas."

LOL din itong si Rey. Hindi ba sya nahihiyang makabawas sa pogi points nya ang mga kwento nya? Huh? Well, para sa akin hindi.

"Who are you?"

Natigil kami sa pagtawa ng may biglang nagsalita sa likod namin.

Napapikit mata na lang ako kung sino yun. Is he really a linta or tuko?

"Rodrigo."

"Sino yang kasama mo Dallen?"

Biglang humalakhak si Rey. Napatingin na lang kami ni Rodrigo sa kanya. "Sorry. Hahaha!" Napahawak tiyan pa sya. "Dallen, don't tell me na sya naman ang magsasabing asawa mo? Hahaha!"

Nagflashback sa isip ko yung nangyari dati (chapter 4) na bigla na lang lumapit si Max at inaagaw ako kay Rey. Sabi nya pa 'wife' nya raw ako.

"What are you talkng about?" Hindi malaman ni Rodrigo kung anong nagyayari kay Rey. "Let's go Dallen."

Hindi ko nagawa pang pumalag ng hatakin nya ako bigla.

"Hey, Dude." Pigil ni Rey na hawak na yung braso ni Rodrigo na nakahawak sa akin. "Let her go." Serious na sya.

"Why should I? Dallen, is mine."

"May patunay ka ba? May singsing ka rin bang ipapakita sa akin? Aangkinin mo rin si Dallen?"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Bago pa tuluyang magkagulo dito sa bar aawat na ako. "Enough!" Pilit kong binawi yung kamay ko kay Rodrigo. "Rodrigo, don't make a scene here. May makakakilala sayo. And I'm not yours." Madiin kong sabi pero mahina lang kasi baka makatawag kami ng atensyon. "Let's go Rey." Hinatak ko na si Rey palabas ng bar.

I can't understand why Rodrigo keeps on following and following and following me!! Nakakairita. He might be handsome but he's a simple minded guy.

"Dallen!" Kitams? Mukhang tangang sumisigaw dun sa loob. Tsk! Pag ito naging issue bukas.

Damn! Bakit nagkatotoo yung sinabi ko kagabi?

Sa news na binabasa ko ngayon... And to think na hindi ito tabloid... Sabi... 'Dallen dela Torre is having an Affair!' grabeng headline!

Bakit ba pag nasa Pilipinas ako gulo inaabot ko?

"Dallen dela Torre is having an affair! Hahahaha!"

Dallen's Sweet KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon