Karma #1: Welcome to Vegas

118K 848 22
                                    

Dedicated to Ate Che! siya yung gumawa ng description. I really love her. Hindi lang sa Wattpad ako tinutulungan. Pati rin sa paghahanap ng trabaho.

Chapter 1


Las Vegas...



Max's POV

'You cannot come back here if you don't bring your Dad.'


Hayy.. Pano ko naman mahahanap sa napakalaking Las Vegas ang pasaway kong ama? The Stip alone has a hundreds of Casino Hotel!


Napabuntong hininga ako. Kanina pa ako naghahanap.


Ang hirap ng may sugalerong tatay, lalo na't mayaman. Hindi mo lang kasi makikita sa kanto kundi sa ibang bansa pa.


I'm staying here at Cosmopolitant Hotel,gusto ko na sanang matulog dahil pagod na ako pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Napagpasyahan ko na lang na pumunta sa The Chandelier, ang isa sa mga sikat na bar dito sa Vegas. Hindi ko ito palalampasin.


[ringtone]


Pagbaba ko pa lang ng taxi nag-ring na ang cellphone ko.


[Have you already seen your father?] Si Mama na naman, nangungulit.


"Hindi pa."


[What? Ano bang ginagawa mo jan Max? Baka nambababae ka lang jan? Pareho lang kayo ng ama mo!]

"I'm doing my best Ma. Napakalaki kaya ng Las Vegas. Wala rin akong babae dito. Bagong buhay na nga ako diba? Hintay ka lang jan."


[Pero nalulugi na ang kumpanya natin. Inuubos nyang pasaway mong ama ang ipon natin tapos walang magpapalakad sa kumpanya. Hindi ko kaya!]


Napangiti ako. Joking lang ng pamilya ko noh? Tatay ko sugalero, nanay ko bungangera tapos ako daw babaero.


"Relax lang Ma. Sabi ko naman sayong ako na lang hahawak ng kumpanya natin."


[Hindi kami papayag hanggat hindi ka pa nag-aasawa.]


Ano naman kayang connect nun pag-aasawa diba? "Bakit pa kailangan mag-asawa? Sige na nga Ma, ibababa ko na."


Nakarating ako sa The Candelier. Isa sya sa limang bar sa loob ng Cosmopotitant na kilala dito sa Las Vegas. Everything is elegant from the carpet up to the candelier ceiling. Para naman akong mayaman talaga dito.


"One martini please." Kagad na sabi ko ng makaupo sa sa stool ng bar counter.

"Isa pa ngang shot jan." Napalingon ako doon sa babaeng halos ilampaso na yung mukha sa counter. Nakubsob kasi ang ulo tapos gulo-gulo pa yung buhok.


"Lasing na kayo Ma'am."


"Isa pa!" Napabuntong hininga na lang yung bartender.


"Filipino?" Bago pa umalis yung bartender tinanong ko sya baka kababayan ko eh. Naiintindihan nya kasi yung sinabi noong babae.


"Opo."


"Cool! Pinoy din ako."


"Pati sya." Napaikot pa yung itim na mata noong bartender dahil sa babaeng katabi kong nakasubsob sa counter. "Order coming up."


Pinagmasdan ko yung babae. Pwede na. Sexy, matangkad... Uhmm.. Makinis ang balat. Bagay sa kanya yung red dress na yumayakap sa katawan nya pati rin yung sapatos nya. Oops! Sapatos nya? Nakatsinelas lang sya na pang hotel. Yun na yun e. Perfect na kaso sablay yung sapatos. Mapagkakamalang may sira sa utak itong babaeng 'to.


Dallen's Sweet KarmaWhere stories live. Discover now