Bet Your Heart ♡ Chapter 23

Start from the beginning
                                    

Isa na lang naiisip kong puwedeng magligtas sa akin. Ang restroom dito sa kusina. Pero nang tumingin ako roon ay nasa tapat na agad ng pinto si Renz.

Damn! Hindi puwede ito! Paano na ako makakatakas sa kanila? Hindi ko na alam kung saan ako tatakbo. Pero dapat makaisip agad ako ng paraan.

Tinignan ko silang dalawa. Pareho na silang nakangiti na parang mga aso. Mukhang wala na talaga akong ligtas. Pero dahil bright ako, may naisip pa akong isang paraan.

"Tita Belle!" sigaw ko habang nakatingin sa likod ni Mark kahit wala naman talagang tao roon.

Napatingin din sila pareho sa labas ng kusina. And this is it! Sinamantala ko ang pagkakataon para tumakbo palapit kay Mark na nakaharang sa pintuan ng kusina at walang anu-ano'y itinilak ko siya. Hindi ko napansin na nakatakbo na rin pala si Renz papunta kay Mark para pigilan ako sa pagtakas ko. Pero siyempre, suwerte ako. Pagkatulak ko kay Mark ay nagkabungguan sila ni Renz at parang nagkauntugan pa yata. Narinig ko silang dumaing pareho pero hindi na ako nag-abalang tignan sila. Tumakbo na lang ako paakyat ng hagdan. At masasabi kong suwerte talaga ako dahil saktong palabas ng kuwarto si Tita Belle.

"Naku! D'yos ko, anak! Bakit ka nagtatatakbo?! Baka madulas ka!" nag-aalalang sabi ni Tita Belle pagkakita sa akin.

Huminto naman ako sa tabi niya. "Sorry, tita... na-miss ko po kasi kayo," sabi ko at niyakap ko pa siya.

"Oh..." Napangiti siya at niyakap din ako. "I miss you too, hija."

Aww... ang sweet ni tita Belle and I feel so safe in her arms.

Maya-maya nakita na namin ang dalawang tukmol na nag-uunahan makaakyat ng hagdan. Nagtago naman ako sa likod ni Tita Belle. Nang nakita nila si Tita Belle ay pareho silang natigilan.

Bingiyan ko silang dalawang ng pang-winner na smile. Ano sila ngayon? Mukhang silang inagawan ng lollipop.

"Ano na naman ba 'yan? Bakit kayo nagtatakbuhan?" sita sa kanila ni Tita. "Pinagkakaisahan niyo na naman ba si Lianne?"

Napakamot sa ulo ang dalawa at hindi makasagot. Habang ako, nagpipigil na ng tawa sa likod ni Tita. Winner!

"Tita, nagbabatuhan sila ng fruits kanina sa kusina," sumbong ko.

Nanlaki naman ang mata ng dalawa sa sinabi ko and I just gave them an evil smile. Siguradong papagalitan silang dalawa.

"Hali nga kayo rito," utos ni Tita Belle habang pababa ng hagdan.

Nakasunod naman ako kay Tita. Nang napadaan kami sa magkapatid, ang sama ng tingin nila sa akin. Parang kakainin na nila ang kagandahan ko ng buhay. Pero dahil nandito si Tita Belle, hindi ako natatakot at nginitian ko pa sila ng mapang-asar.

Nagpunta kami sa kusina at nakita nga ni Tita Belle ang kalat-kalat na mga prutas sa sahig na medyo na lamog na.

"Now... you two, stubborn kids!" Itinuro silang dalawa ng mama nila. "Pulutin niyo lahat ng ikinalat niyo at kainin niyo ang lahat ng iyan!" mariin na utos sa kanila ni Tita. Sa lahat pa naman ng ayaw ni Tita ay ang nagsasayang ng pagkain.

"Ma—" pagpoprotesta sana nila na pinutol ni Tita.

"Gagawin niyo ba ang utos ko o grounded kayo hanggang sa pasukan?!" banta pa ni Tita Belle ng makitang nag-aalinlangan ang mga anak na sundin ang inuutos niya.

Nagmamadali namang pinulot ng magkapatid ang mga prutas ng walang sali-salita. Ang galing talaga manakot ni Tita.

Gusto ko ng tumawa ng malakas pero nagpigil pa rin ako. Sa sobrang sama ng tingin na ibinibigay sa akin ng magkapatid habang mukha silang mga alila sa pagpupulot, alam kong gaganti sila sa akin anumang oras na mawala si Tita Belle.

♡ Playing Love Games ♡Where stories live. Discover now