Bet Your Heart ♡ Chapter 23

Zacznij od początku
                                    

Dumiretso na lang ako sa main door at pumasok sa bahay nila. Magkakape na lang ako. Baka sakaling mawala ang inis ko sa kanya.

Nasa sala pa lang ako nang marinig kong tinawag ako ni Renz. Siyempre, dedma lang. Iyan pa ang isa kong talent, eh. Mang-dedma.

Aba? Pagkatapos niya akong inisin? Best revenge na ang hindi pagpansin sa kanya. Surely, mas maiinis siya.

Nakita ko sa living room si Mark at dinaanan ko lang siya. Naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin. O, 'di ba? Mag-boyfriend talaga kami?! Buwisit! Pati siya walang pagpansin sa akin? Lalo lang akong nainis.

Nagpunta ako ng kusina para magtimpla ng pinakamamahal kong kape na magpapaganda ng mood ko. Pero hindi pa ako tapos magtimpla ay na rin si Renz sa kusina.

"Uy, Best," tawag niya sa akin. "Sorry na. Hindi ko naman talaga alam na nasa likod na pala kita kanina. Hindi ko rin naramdaman at narinig ang kalabit at tawag mo," pagsusumamo niya pa. "Bigla mo na lang kasi akong binatukan kaya nainis agad ako. Sorry na, please?"

I rolled my eyes at hindi siya pinansin. Naiinis talaga ako at kapag naiinis ako, gusto kong tirisin ang dahilan ng pagkainis ko.

"Uy, Best..." Nag-pout pa siya sa harap ko. "Sorry na naman."

Natapos akong magtimpla ng kape at dinala ko iyon sa table. Sa sobrang inis ko, nang nakita ko ang mga prutas sa lamesa ay kumuha ako ng isang prutas at walang sabi-sabi na ibinato sa kanya.

At viola! Bull's eye!

Narinig ko ang pagdaing niya at napangiti na ako dahil doon. Pero hindi pa ako kuntento. Binato ko pa ulit siya pero nakailag na siya.

"Best, baka pagalitan tayo ni Mama," nababahalang sabi niya habang umiilag sa mga binabato kong prutas.

"Wala akong pake! Ikaw lang naman papagalitan ni tita Belle," nakaingos kong sabi at nagpatuloy lang sa ginagawa.

Bahala siyang mapagalitan ni tita kapag nakita ang hitsura ng kusina. Malalagot talaga siya.

Huling prutas na lang ang nasa kamay ko at gusto kong matamaan talaga siya. Inasinta ko siyang mabuti.

Last na ito. Kapag tinamaan siya, bati na kami, sabi ko pa sa sarili ko bago ko ibato sa kanya ang prutas. Pero sa kasamaang-palad, nakailag siya at ang papasok sa kusina na boyfriend ko ang tinamaan sa ulo.

"Ouch!" Napatingin siya sa apple na bumaksak sa sahig matapos tumama sa kanya. At umangat ang tingin niya. Una siyang tumingin sa akin at sumunod kay Renz.

I gaped. Patay na! Ang sama ng tingin niya sa amin.

Pero bago pa siya magtanong kung sino ang bumato ng apple na tumama sa kanya ay nagturuan na kaming dalawa ni Renz.

"Siya!" sabay naming sabi, kasabay din ang pagturo sa isa't isa.

Lalo namang sumama ang tingin niya sa amin. Pero mas masama ang tingin niya kay Renz dahil may mga hawak siyang prutas. Iyon ang mga nasalo niya sa mga ibinato ko sa kanya kanina.

Binelatan ko si Renz na nakatingin sa akin na mukhang nanghihingi ng tulong. Pero sa kasamaang palad ulit, nahuli ako ni Mark sa ginawa ko.

Ugh! Nariin kong naisara ang bibig ko at napalunok ako. Mayayari ako nito sa magkapatid. Alam na alam ko na ang susunod na gagawin nila sa akin. Ayoko pang mamatay! Mamatay sa sobrang kiliti na gagawin nila!

Kailangan kong tumakbo! Pero saan ako tatakbo ngayon? Nasa pinto pa rin ng kusina si Mark kaya hindi ako makakalabas ng ligtas doon. Kung sa likod naman ako lalabas ay hindi rin puwede dahil naka-lock iyon at mahirap buksan.

♡ Playing Love Games ♡Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz