Chapter 21 : Officially Missing YOU

Zacznij od początku
                                    

Sa isang iglap, ang plano ko na iparamdam sa kanya kung gaano na sya kahalaga sa akin ay biglang naglaho at napalitan ng sakit na sinundan ng hindi mapigil na emosyon. Umusbong ang hindi maampat na selos na naging dahilan ng daglian kong pagtalikod para pagtakpan ang naging reaction. Animo may isang punyal na itinurok sa puso ko ng mga oras na iyon na naging dahilan ng biglaang pagkirot nito.

I swear, i have tried to composed myself pero huli na dahil nangibabaw na sa akin ang selos. I know its pathetic na magselos kaagad ng hindi pa nalalaman kung sino ang kumag na nagpadala ng bulaklak kay wild girl pero wala na akong magawa. My mind race-up at nagsimula ng mag-overthinking hanggang sa napagdesisyunan ko na lang na umalis ng Opisina.

Nagkukumahog akong sumakay ng sariling sasakyan habang pinipilit pa ring kumalma. pero hindi pa halos humuhupa ang nararamdaman ko ng aksidenteng matanawan si Fermin near the pedestrian gate. He was talking to this delivery boy na nag-abot ng bulaklak kay Louise. All of a sudden hindi ko napigilan ang paghawak ng mahigpit sa manibela when i realized something.

It was him. Ang magaling kong kaibigan ang nagbigay ng bulaklak kay Louise.

I knew it! Napansin ko na ito dati, kung gaano sya kagiliw kay wild girl, kung papaano nya itong i-guide compare sa mga baguhang Engineer sa Site at kung papaanong nagpumilit ito na sya ang mag-train kay Louise under operation work.

Somehow, it gave me some hint but i just ignored it.

Damn it! not again! daing ng utak ko kasunod ng pagyuko sa manibela when reality hit me.

F*cking reality! i blurted out.

For the second time in my stupid love life, mukhang sariling kaibigan ko na naman ang magiging karibal sa babaeng natutunan ko na yatang mahalin.

First it was Nick na umahas sa girlfriend kong si Jena and now its Fermin.

T*ngina! ganito na ba ako kakumplikado? at wala ng ginawa ang tadhana kung hindi paglaruan ang nararamdaman ko? naghihimutok na reklamo ko. When my alter-ego never reacted naiinis akong napamura kasunod ng pagpapa-harurot sa sariling sasakyan palabas ng Site Project.

********

Kinabukasan.

"Hey! wake up, you dumb head!"

Agresibong mga kamay ang yumugyog sa akin. Pupungas - pungas akong gumising at halos hindi pa naididilat ang mga mata ng biglang masilaw sa sinag ng araw na nagmula sa hinawing kurtina.

"What the Fu---- " reklamo ko habang kinukusot ang sariling mga mata. Hindi ko na naituloy ang dapat sanang pagmumura dahil sinawata ako ng taong nambulabog.

"hey! stop that dirty mouth of your's young lady!" iritadong sabi nito. Kasunod ng paghagis sa akin ng nahulog na unan.

"A-Ate Amanda? " i said sa hindi siguradong tono ng boses habang pilit na inaaninag ng mga nanlalabong pa ring mga mata ang bulto ng babae na nakapamaywang at nakatunghay sa harapan ko.

"Tssss!.... what are you doing here? ang aga-aga mo namang mambulabog" daing ko ng mapagtantong tama ang hinuha ko.

Balak ko pa sanang bumalik sa pagtulog nang hindi ito kumibo ang kaharap, pero ng akmang magkukulubong na ako ng comforter ay biglaan nya itong hinatak.

"bumangon ka na jan Gabriella kung ayaw mong makarating kay Mama ang mga pinag-gagawa mong ito!" she said in a very strong tone.

"ano na naman bang sina----"

" it's either you get out of that bed right now! or tatawagan ko si Mama, ora mismo!" she said cutting me off habang nakapamaywang na nakatayo sa harapan ko.

Take me to your HEART (GxG) : BOOK 1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz