CHAPTER 44

129 3 0
                                    

Note: This is the point of view you ever waited.. Enjoy!

-

Jake’s POV:

“My son !”, salubong sakin ni mom and also with my dad.. Glad I already saw them.. After I recovered from stress, after almost two years bumalik sila dito sa Pinas so ako na lang ang nasa America.

Thank God.. how I waited this day. Ang bumalik ng Pilipinas..

“Mom! Dad !! How I’ve missed you both. Kamusta na po? ”, pangangamusta ko sa kanila..

“We’re fine son, tara na.. Your relatives are waiting sa bahay..”, anyaya ni Dad. While we’re inside the van.. Mom never stopped gossiping about sa mga nangyari for almost five years.

I can’t focus much because I was thinking of something… I was thinking of a person that became the reason for me of coming back here in Philippines. I’ve missed her..

The time na mapunta ako sa America, nakita ko doon sina Migz, Harley at Aaron. Ipinaliwanag nila at ipinaintindi sakin ang lahat. Simula noon, bumalik ang tunay na ako. Lagi ko na siyang hinahanap. Unti-unti ko nang naaalala ang lahat-lahat simula makilala ko siya.

Limang taon ang tiniis kong mag-isa. Tumigil ako ng one year para sa continuous kong pag-galing, then I took a four year chores sa college.

Hindi ko alam pero, gumising na lang ako isang araw na bumalik na yung nararamdaman ko, yung dadating ako. Nung una, nahirapan pa sila mom at dad na iadjust ako dahil pinipilit ko silang pabalikin ako sa Pinas at hanapin si Yasmine.

Sobra akong nagsisisi dahil nasaktan ko si Yasmine ng sobra-sobra. Kaya one month after pumunta akong America, dali-dali kong kinontak si Dustin.

Pinakiusapan ko siyang bantayan si Yasmine at huwag siyang hahayaang mahulog sa iba. Pero ngayon, hindi ko na alam kung kamusta na siya. Hindi ko na ma-contact si Dustin.. Hindi ko nga alam kung baka mahal parin niya si Yasmine at inagawan na niya ko.

Hindi ko kakayanin kapag nagkataon. Limang taon kong tiniis na malayo siya sakin. Gustung-gusto na kitang makita Yasmine.. Alam kong hinihintay mo na ako.

----

Maraming bisita ang nadatnan ko sa bahay. Naghanda pa pala sila ng welcome bak party para lang sakin.

Ang saya naman. Binati nila ako lahat. Siyempre nagthank you ako sa kanila.. Maraming naganap sa party, at isa lang ang masasabi ko, namiss ko silang lahat.

“Ma, pwede ko na ba hanapin si Yasmine?”, pagtatanong ko.

“Anak magpahinga ka muna. Alam naming pagod ka.. Pero anak, hindi rin namin alam kung kamusta na si Yasmine. Pero hahanapin mo parin siya di ba? Nangako kasi ang Dad mo kay Aileen na babalikan mo si Yasmine..”, paliwanag ni mom.

“Oo naman po, babalikan ko talaga si Yasmine. Hindi ko kayang may iba na siyang mahain. Sana lang, hindi pa ako huli.. sana hindi pa nahuhulog ulit si Dustin sa kaniya..”, seryoso kong sambit.

Pumunta na lang ako kwarto ko. Ang dating kwarto ko.. Na punung-puno ng letrato naming dalawa.. Sana maibalik ko pa ang lahat Yasmine.

Sana hanggang ngayon.. mahal mo parin ako..

Inaamin kong nasaktan nga kita.. Pero pinagsisisihan ko nayon.. Lahat lahat ng mga kasalanang nakapag- paiyak sayo.. Akala ko hindi kita masasaktan pero ako yung naging dahilan kung bakit ngayon, magkalayo tayo..

Ibabalik ko lahat ng nawala.. ibabalik koo ulit yung tiwala.. ibabalik ko lahat ng matatamis na sandaling kasama kita..

Hindi man ako naging perpektong boyfriend mo noon, pinapangako ko, ibabalik ko lahat ng naging pagkukulang ko. Sasaya lang ako kapag naging akin ka na ulit Yasmine.. doon lang, kumpleto na ako..

Sigurado ako, malaki na ang pinagbago mo. Siguro kapag… nagkita tayo, hindi na kita mamumukaan. Limang taon kong di nasilayan ang mukha mo.. kahit sa picture lang, hindi pa kita nakikita ulit.

Pagkagising na pagkagising ko. Hahanapin na kita Yasmine.. hahanapin ko kayo ni Dustin.. Sana Dustin tinupad mo ang mga sinabi ko.

Ipinakiusap ko kasi kay Dustin nung tinawagan ko siya five years ago, sinabi ko, bantayan niya si Yasmine kahit anong mangyari. Tuwing malungkot si Yasmine, sabi ko pasayahin niya.. pero pinagbantaan ko siya.

Na wag niyang aagawin ulit sakin si Yasmine. Pumayag naman siya.. Sana nga tinupad niya. Gustung-gusto ko na matapos lahat ng problema ko.. problema namin ni Yasmine.

Nag-aral ako sa America para kay Yasmine. Pinilit kong maging matatag para sa kaniya.. Nagsumikap ako para sa kaniya.. wala nang iba.

“Gusto ko nang sabihin sa’yo toh simula bumalik ang damdamin ko, mahal kita. Sana you feel the same.. Panghahawakan kita Yasmine. Panghabang buhay..”, pabulong kong sambit habang nakahiga.

Ipinikit ko na ang mata ko sa sobrang antok na nararamdaman ko. Matulog ka na Yasmine, magkikita na tayo bukas.. Pangako, hindi na kita sasaktan pa.. Hindi ka na iiyak.

-----

~MissOrdinaryGirl

My One And Only YOU *COMPLETED*Where stories live. Discover now