CHAPTER 33

140 3 0
                                    

Yasmine’s POV:

Maaga akong nagising para maghanda sa pagpunta namin kay Jake. Nakausap ko narin si Aileen, Aaron, Migz at Harley para samahan kami sa pagputa doon.

Maya-maya lang, nandito na si Aileen at susunduin na kami nila Harley.

“Mag-ingat ka huh? Kung maaari lang, wag kang masyadong lalapit muna kay Jake. Hindi mo pa siya kabisado kung ano ang tumatakbo sa isip niya lalo na at… medyo wala siya sa katinuan niya..”, payo sakin ni daddy bago ako umalis.

Nandito na kasi sila Aileen at hinihintay na lang ako..

“Sige po mauna na kami. Bye.”, paalam ko at tuluyan na kaming umalis..

Habang nasa byahe kami. Walang humpay ang pagwa-warning nila sakin about sa attitude ni Jake.

Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matakot, maawa o malungkot. Ang daming emosyo na nararamdaman ko…

“Yasmine, para lang naman sa ikaaayos mo ang mga sinasabi namin. Hindi natin alam kung anong gagawin ni Jake kung makikita ka niya, pwedeng may mangyari na di natin inaasahan kaya sinasabi na namin sa’yo na wag kang masyadong lalapit sa kaniya..”, mahabang paliwanag ni Aaron..

“Tama si Aaron. Tuwing bumibisita kami sa kanila, laging nasa kwarto niya siya at paulit-ulit ag niyang sinasabi na mahal ka niya. Pero habang paulit-ulit niyang sinasabi yun, galit siya.. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niya sa loob, pero pinagdarasal na lang namin na walang nakakahiwang bagay ang nakatago sa kwarto niya..”, dagdag ni Migz na nakaupo katabi namin ni Aileen sa back seat.

“Hindi ko alam, natatakot ako sa mga kinukwento niyo. Sana nga lang… Maayos na ang lahat..”, tanging nasambit ko na lang.

“Wag ka mag-alala basta mag-ingat ka lang. Wag na wag ka titingin sa mata niya dahil alam ko namang kakaawaan mo lang siya… at dapat mo muna iwasan yun. Baka kung ano pang gawin niya..”, pagbabanta ni Harley na nagda-drive.

Pagtapat ng kotse sa bahay ni Jake, halos magwala ang puso ko sa kaba.

Para na akong manhid dahil wala akong maramdaman at di ako makagalaw.. Namamawis ako kahit air conditioned naman ang kotse.

Sinalubong kami ng parents ni Jake na makikita mong halos walang tulog at pahinga..

Naaawa ako sa kanila. Dahil sa katangahan ko, pati sila nabibigatan na sa problema..

“Magandang araw po Mr. and Mrs. Aquino.. kamusta po ?”, pangangamusta ni Harley sa mga magulang ni Jake. Nagbigay naman ng weak smile ang mom ni Jake.

“Pasok kayo, salamat sa pagbisita ninyo..”, sambit ng dad ni Jake.. Umupo kami sa may sala at pinaghanda kami ng meryenda.

“Uhmm… Ito nga po pala si Aileen, classmate din po namin at… at si Yasmine..”, pag-iintroduce samin ni Migz. Nahirapan pa siya banggitin ang pangalan ko dahil baka magulat biglaan ang mga magulang ni Jake.

“So you’re Yasmine, the one you guys told to us ..”, sambit ni Mrs. Aquino.

“Thank you Yasmine at bumisita ka. Matagal-tagal ko naring hinihintay ang pagkakataong makilala ka.. Gusto ko itanong sayo kung bakit at anong dahilan para saktan mo at iwan ang anak namin. Oo, inaamin kong sinisisi ka namin bakit naging ganito ang anak ko. Pero may pagkukulang din kami..”, paliwanag ni Mr. Aquino.

Natakot ako bigla dahil inamin niya saking sinisisi nila ako. Nasaktan ako syempre pero di ko dapat damdamin dahil ako talaga ang dapat na sisihin.

“K-kaya ko po nagawang.. saktan si Jake d-dahil, nagka-problema din po sa family k-ko. Hindi po kasi payag ang mom ko sa relationship namin ng anak n-niyo.. at ipiagkasundo nila ako sa long time childhood friend ko. Kahit naman po ako, *sniff* h-hindi rin po ginusto yun pero mommy ko na po kasi ang kinakalaban ko.. kaya po naging duwag ako.. s-sorry po..”, kwento ko sa kanila habang nakatungo.

“Naiintindihan kita hija, salamat na lang din at bumisita ka dito. Sana, ikaw na ang makapagbalik sa kaniya sa dati. Napakalaking pagbabago ang nakita namin sa kaniya.. Halos parang di na namin siya anak kung titignan.. at nagawa pa niyang magdroga. Doon ako lubos na nasaktan Hija. Hindi ko alam na magagawa niya ito..”, madamdaming kwento samin ng dad niya.

“P-pwede ko po ba s-siyang makita?”, pagtatanong ko sa dad ni Jake.. Hinawakan naman ni Aileen ang kanang kamay ko at ngumiti.

“Oo naman. Tara sa taas..”,anyaya niya sa amin. Nagsitayuan kami sa sofa para sumunod sa kaniya..

“Are you sure na papupuntahin mo sila sa kwarto ni Jake Loi? Alam ko namang di parin niya bubuksan ang pinto even your with that Yasmine..”, pagpigil ng mom ni Jake sa asawa niya, batid ko naman na galit siya sakin..

Pero naiintindihan ko siya bilang isang ina.. Kung ako ang nasa posisyon niyan, siguro ganiyan din ang kalalabasan ko.

“I believe Hon, bubuksan na ni Jake ang pinto..”, sambit ni Mr. Aquino..

“Let’s see …”, pakampanteng sambit ng mom ni Jake. Umakyat na kami papunta sa 3rd floor kung saan doon ang kwarto ni Jake.. Mula sa first floor ng bahay nila kanina, walang kahit anong ingay ang maririnig.

Pero pag-akyat namin ng second floor, naririnig ko na yung pagdagundong, mga sipa, pagsuntok, at pagdabog.

Hindi ko maiwasang umiyak dahil naaawa talaga ako nang dahil sakin, nawala ang Jake Loi Aquino na isa noon sa 5 Campus Gazzing Prince.

Pero sinasabi ko sa inyo, kahit nawala man lahat ng kapuri-puri sa kaniya, hinding-hindi mababawasan ang pagmamahal ko kay Jake.. Kahit kailan.. Siya lang ang nag-iisa sa puso ko..

Sa pagdating namin sa 3rd floor, dito ko na naibuhos ang luha ko. Ramdam ko yung lakas ng pagkalabog sa kwartong yun.. Sa kwarto ni Jake.

Niyakap nila ako. Niyakap ko si Aileen at Migz..

Patuloy lang ako sa paghikbi habang naglalakad kami patungo sa mismong pinto ng kwarto ni Jake.. Tumigil ako sa paglakad kasi nararamdaman kong hindi ko kaya.

Pinalakas ng dad ni Jake ang loob ko sa sinabi niya..

“Hija, wag kang matakot.. Alam kong kapag nagmamahal si Jake, hindi ka niya sasaktan. Alam kong pag nakita at narinig ka niya, tatahimik na ang ingay sa bahay na ito. Kaya pakiusap, tulungan mong ibalik ang anak ko..”, buong tiwalang sambit sakin ng dad niya.

Sa pagtapat namin sa pinto ng kwarto ni Jake. Bigla kong tinakpan ang mukha ko at umiyak ng umiyak dahil narinig ko na sa wakas ang boses niya..

Yung matatamis na tinig na ginagamit niya sa pagkanta noon, na hindi na ata maibabalik ngayon.

“Mahal na mahal kita… mahal kita Yas.. Argh! Mahal kita!! *Dugg!* Yasmine.. Bakit?” iyan yung sinasambit niya ng paulit-ulit habang minsan ay nagwawala siya.

Dahil sakin kaya siya nagkaganito kaya siguro di niya ako nakakalimutan dahil napakalaki ng atraso ko sa kaniya. Sana ako na lang yung nasa sitwasyon niya.

Tatanggapin ko basta wag lang siya.

Binigyan na kami ng sign ng dad ni Jake na magsalita na ako at tawagin si Jake, lahat sila, naghihintay sa pagsasalita ko. Huminga ako ng malalim.

Sana Jake.. buksan mo ang pinto at papasukin ako. Bumalik ako dahil walang nagbago, at kailangan pa kita sa buhay ko..

-----------

~MissOrdinaryGirl

My One And Only YOU *COMPLETED*Where stories live. Discover now