CHAPTER 31

134 3 0
                                    

Yasmine’s POV:

Two weeks has passed and it was the time for going on classes..

Two days na ang nakalipas noong unang magpasukan. We are now 4th year highschool at start na naman ng panibagong buhay ko..

Sa dalawang linggong nakalipas, maraming naganap.

That whole weeks, hindi na ako nagpapakita kay Jake.. Hindi ko narin siya nakikita pati mga friends niya wala narin akong contact.

Last week si Dustin, we chated on FB. He wants me back again.. Pero I told him na wala na siyang pag-asa. I now have Eric.. at doon lang siya naniwala nung in-explain ko ang samin ni Eric.

I know he was disappointed, at nalaman ko pa na tanggal narin siya sa banda noon pa dahil di na gusto ng manager nila ang routine na pinapakita ni Dustin.

Hindi narin mag-aaral si Dustin dito sa Academy namin dahil he’ll study on States. Gusto niya makapag-move on sakin so he planned to study States since nandoon ang parents niya at kapatid.

At kung tingin niyo na si Eric ang pinili ko over Jake,

Tama kayo.. Si Eric nga ang pinili ko..

Dito na siya mag-aaral at magkaklase kami. Hindi ko nga alam kung dito pa ba nag-aaral si Jake dahil simula nung pasukan last two days ago, hindi ko pa siya nakikita.

Nag-aalala parin ako sa kaniya dahil nga di mawala sa isip ko yung sinabi ni Migz noon na Jake is taking drugs.

Hindi ko alam kung anong nangyari na sa kaniya o baka nasa rehabilitation na siya pero ayaw ko isipin yun.

Hindi mangyayari kay Jake yun. Alam kong matino siya at di magiging mahina.

“Hey Babe, tara na sa room.. Male-late na tayo..”, anyaya ni Eric sakin at inakbayan ako. Since when the school days started, wala paring nagbago, halos magkandabaliw ang mga babae dito sa academy dahil dito kay Eric.

Oo nga gwapo naman si Eric at mabait, lahat nasa sa kaniya na kaya dapat ko pang isiping swerte ako dahil pagmamay-ari niya ako.

Pero mahal ko naman si Jake at di ko siya ipagpapalit sa iba.

Nakita ko naman si Aileen na hinihingal na papunta sa direksyon namin. Oo nga pala, hindi pa niya nakikilala si Eric pero alam na niya na wala na kami ni Jake.

Hindi pa kasi kami nagkakausap ng kaming dalawa lang simula nung first day of school.

“Oh? Bakit hingal na hingal ka?”, worried kong tanong.

“Hinahanap kita may sasabihin ako..”, sabi ni Aileen sakin. Nagtataka naman bigla si Aileen kung bakit ko kasama yung crush ng buong campus.

“Ayt! Teka, n-nakakaistorbo pala ako.. he-he-he.. bye!”, nahihiya niyang sambit.

“Wait!”, pagpigil ko pero di siya tumigil sa pagtakbo palayo samin.

Natapos ang school hours ng wala akong gana makinig sa lecturer. I found it boring dahil wala akong ibang naiisip kung hindi si Jake. Nasaan na kaya siya?

After nang uwian. Nag-usap muna kami ni Aileen, pinauna ko na umuwi si Eric dahil sinabi ko na mag-uusap kami ni Aileen.

“Ano bang pag-uusapan natin?”, tanong ko. Huminga naman siya ng malalim..

“It’s about Jake. Pero bago muna yan, gusto kong malaman mo na… alam ko yung namamagitan sa inyo ni Eric.. I know na kayo na because of your mom.. Pero, gusto ko sana malaman kung… kung siya na ba talaga ang mahal mo? Nakamove on ka na ba kay Jake?”, pag-uusisa ni Aileen habang hawak ang mga kamay ko.

My One And Only YOU *COMPLETED*Where stories live. Discover now