CHAPTER 5

333 7 2
                                    

CHAPTER 5

Jake’s POV :

Sobrang galit ang nararamdaman ko kanina pa. NAIINIS AKO SA DUSTIN NA YON! Inaagaw niya sakin si Yasmine ! LOKO RIN YON EH! Akala ko pa naman matino siya pero nang makilala niya si Yasmine pinopormahan niya na kaagad?

Sinabi ko na naman sa kaniya at sa buong banda na type ko si Yasmine nung makita ko siya. I don’t believe in love at first sight but when I saw Yasmine, I just feel that. I feel I’m always happy and excited everytime I saw her. Pero di ko alam na kapatid pala niya si Jasmine.

Kaya ngayon, pinaghihiwalay niya na kami ni Yasmine dahil I broke up with her dahil hindi ko naman siya talaga mahal! Pinilit lang niya ako until I decided na sumuko na dahil matigas talaga angulo ng babaeng yon.

Nasa bahay  ako ngayon at heto, sinusuntok ngayon ang pader sa sobrang galit na nararamdaman ko. Kung hindi ba naman ako badtrip ..bakit pa ako magsasayang ng oras magdabog at magmukmok rito!

Nang dahil sa nakita ko kanina sa school, naiinis ako ngayon.

Kanina sa school, nasaksihan ko yung pang bu-bully ng mga kaibigan ni Jasmine kay Yasmine ..Sobra-sobra yung naramdaman kong awa nung mga oras na’yon na gusto ko nang saktan lahat ng mga umaaway sa kaniya..

Pero wala akong nagawa dahil kapag nilapitan ko si Yasmine .. Surely, magsusumbong na yung mga masasamang kaibigan niya na nilapitan ko si Yasmine, ayaw ko rin na masaktan o galawin pa ni Jasmine si Yasmine. Alam kong ibang klase ang ugali niya.

 Naawa ako kay Yasmine habang nagpapaulan siya kanina kaya kumuha naman ako ng payong para sunduin siya sana.

Halos magkanda panic panga ako sa pangheheram ng payong sa mga kaklase ko para lang talaga mapuntahan ko na agad siya ..

Pero huli na ko, naunahan na ko ng bwiset na Dustin na yan! Nakita ko na lang na dala-dala na ni Dustin si Yasmine papuntang waiting shed. Halos nasipa ko na yung basurahan na nasa gilid ko sa inis dahil sa nakita ko.

Bakit ba kasi napakabagal ko kumilos at naunahan pa ako ng iba?!

Lalo ko ikinainis ng yakapin niya pa si Yasmine. Nakakapang gigil! at narinig ko pa na sinabi ni Dustin na ipagtatanggol daw niya si Yasmine. The whole time na magkasama sila, I stalk them just to assure kung anong pakay ni Dustin kay Yasmine.

Pero bakit ganon? ang saya-saya ni Yasmine kanina habang kasama niya si Dustin? Yung ngiti niya nung gabing magkasama kami at hinihintay ang sundo namin mas masaya siya nung kasama niya ay si Dustin?

Si Dustin ba ang gusto niya? Sana mali ang iniisip ko. Samantalang ako .. nilalayuan niya. Feeling ko tinataboy na niya ako o tinatakwil ehh.

Ako dapat ang magtatanggol sa kanya nuhh !!! Ano ba’tong buhay ko! Bakit ba ang dami-dami-dami kong problema ?? Kulang na lang problemahin ko din tong buong mundo ehh !!

Pasan ko ba ang daigdig at ganto katindi ang problemang natatanggap ko ??? Imbis na masaya ako .. puro problema dumadating sakin !!! Kamalasang taglay talaga. Kasunod pa ng problema ko .. hindi na ko pinapansin ng babaeng gusto ko. Si yasmine.

Tapos isa pang problema ko .. ay si Jasmine, yung nakakainis na ate ni Yasmine dahil alam kong gusto niyang makuha ako simula palang nung una. Kahit mas matanda siya sakin, determinado siyang makuha ako kahit di ko naman siya gusto.

Iniisip ko rin bukas yung sa party ng banda .. Ka-date ni Dustin si Yasmine ..at nandoon din akosiyempre. Ako vocalist eh. Ano nalang gagawin ko kapag makita ko silang magkasama? Iniisip ko palang nababaliw na ko.

Baka masaktan ako pag nakita kong magkasama sila bukas. Ano kayang kahihiyan ang gagawin ko bukas ?? Para atang kaawa-awa na lagay ko bukas .. (sabay bato ng bote ng beer)

Ngayon na-realize ko, I have feelings for Yasmine .. And I’ll do anything just to be closer to her. Kahit ikasira pa ito ng pagkakaibigan namin ni Dustin, ayos lang sakin dahil mas matimbang ang pagmamahal ko kay Yasmine kasi mahal ko siya.

------------------

 ~MissOrdinaryGirl

My One And Only YOU *COMPLETED*Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum