CHAPTER 26

196 6 0
                                    

Yasmine’s POV:

Mahal ko si Jake.. Oo! Sobra.. kahit ako, di ko kakayaning mawala pa siya sakin. Pero.. what should I do !! naguguluhan na ako!

Will I forgive him?

Or I shouldn’t ?

“Please Yas…?”, dagdag pa ni Jake.. Lagi naman eh, tuwing nagmamakaawa siya, hindi ko siya mahindian kasi nga mahal ko siya.

“*sigh* Okay fine.”, tipid kong sagot at napabuntong hininga nalang. I hope I’ll not regret that I chose to not set him free than to set him.

“Thank you Yas !! I love you.. Wait me there.. we will go on a date. Kahit anong mangyari okay? I’ll excuse sa banda..”, excited at natutuwa na niyang sagot.

“Okay, bye..”, sabi ko na lang at tinapos ang call. Hindi kaya, dahil sakin baka masira ang banda nila? Dahil selfish ako at ayaw kong may kaagaw ako sa oras ni Jake?

Minsan nga naiisip ko.. Paano kung.. sabihan ko na siya na..

Mag-quit na sa banda niya. Papayag kaya siya?

Wala naman sigurong mawawala kung susubukan kong itanong sa kaniya.. Oo, itatanong ko sa kaniya kung payag siya.. Sana matuwa ako sa isaagot niya.

After I took a shower, nagbihis na ako ng black cocktail dress at nag ayos ng mukha.. siguro naman, hindi nila makikita si Jake..

“Mom, I have to attend something uuwi din po ako kaagad..”, alibi ko kay mom na nagre-relax sa may garden.

“sure Dear, gusto mo bang samahan kana ng driver ko??”, alok ni mom. Kung sasamahan ako ng driver niya, eh di tiyak na magsusumbong siya kay mom the time na malaman niyang kasama ko ay lalaki.

“N-no need.. Kaya ko na po.”, pagtanggi ko ..

“Okay sure.. Sige ingat..”, paalam niya sakin at nag-abang na ako sa may gilid ng bahay.

Nakita ko na si Jake dala ang kotse niya at kinakawayan na ako. Grabe, namiss ko yung ngiti niya sakin, ang tagal ba naman naming di nagkita..

Agad na akong sumakay sa front seat katabi siya at niyakap niya ako agad. Ang tagal ko rin itong hinintay.. Feeling ko, safe at kontento na ako ngayong kasama ko na siya..

“Yas… I miss you so much. Thank God for this…”, di parin makapaniwalang sambit ni Jake.. Natutuwa ako at di ko maiwasang mapangiti dahil alam kong mapagkakatiwaaan ko parin si Jake..

Sana lang talaga, pumayag siya na umalis na sa banda. Kung mahal naman niya talaga ako, alam kong mas pipiliin niya ang relationship namin kaysa sa banda niya..

Pero naghahalo parin ang kaba at konsensya ko, I know band is his greatest dream, pero di ko alam.. will I ask him? Or should I be contented atleast?

“I miss you too Jake. Buti at tumupad ka sa pangako mo na pupuntahan mo ako..”, nasabi ko na lang at naghiwalay na kami sa pagkakayakap. I wish we will enjoy the day.

“So saan mo gusto pumunta? Restaurant? Park? Sa house? Mall? Saan?”, tanong niya na may kasama pang choices .. I think it’s better kung sa Park na lang kami. Mas presko kasi doon at alam kong solo lang namin ang lugar.

“Sa park tayo..”, sagot ko..

“Okay then here we go..”, masaya niyang sambit habang nkatingin sa dinadaanan ng kotse.

Hindi ko maalis ang tinign sa mukha ni Jake dahil may malaking ipinagbago sa panlabas niyang aura. Nahalata ko na medyo nabawasan ang timbang niya, yung mga mata niya, mapupungay… tapos, ang seryoso ng mukha niya ngayon kapag di niya ako kausap.

My One And Only YOU *COMPLETED*Where stories live. Discover now