CHAPTER 10

308 7 3
                                    

CHAPTER 10

Jake’s POV :

Muntik na ako halos malate dahil sinamahan ko pa si mama magshopping. Pagpunta ko sa reserved table ng banda, nasurpresa ang mga mata ko dahil sa nakita ko ..

Sabi na nga ba kasama na naman nitong Dustin na’toh si Yasmine … tsk >.< sila na ba? Nahahalata kong lagi na silang magkasama this days. Kahit sino sigurong makakapansin sa kanila, iisiping sila pero sana mali iniisip ko.

Nang makaupo ako, hindi ko pinansin si Yasmine … Ano pang rason ko para batiin o ngitian siya kung may Dustin na siya … Tama ba?

Bahala na siguro si Yasmine magtaka kung bakit ko siya inis-snob. Naiinis lang talaga ako, pero hindi kay Yasmine, kundi kay Dustin. Alam ko sa sarili kong kahit katiting na galit, hindi ko magagawang maramdaman pagdating kay Yasmine. Kasi.. ewan!

Gusto ko nga sana yayaing maging partner sa valentines party si Yasmine kahapon, pero, wala akong lakas ng loob dahil bukod sa nilalayuan niya ko, hindi na niya ako kinakausap at pinapansin. Balak ko nga sana di na lang ako aattend ngayon, kaso kelangan.

(A/N: Si Jake sa Multimedia ----------------------------------------------------------> )

Sana nga ganun lang kadaling wag pansinin yung ginagawa niya sakin. Pero sakin, masakit .. kasi tuwing iiwas siya, nawawalan ako ng pag-asang, matutunan niya rin akong mahalin kahit feeling ko, sa aming dalawa, ako lang ang umaasa.

Malamang, ang turing lang naman talaga sakin ni Yasmine ay kaibigan niya lang. habang ako, higit pa sa pagkakaibigan ang pinahahalagahan ko para sa kaniya.

Nakatitig ako ngayon sa kaniya habang siya, nanonood at nakaturo ang tingin sa stage … oo, kahit sideview…

Sa unang tingin pa lang ng mata mo sa mukha niya, masasabi mong maganda nga siya .. Ang kaso, kung may kalapit na man siyang lalaking parang lintang kanina pa nakakapit, tss… nakakainis talagang tignan …

Feeling ko nga nananadya tong si Dustin kahit di niya sabihin sakin. Ano bang klaseng kaibigan tong si Dustin ?? ang yabang na niya umasta ! akala ko kaibigan ko siya ..

Traydor pala.  Alam naman niyang gusto ko si Yasmine sa simula pa lang … pero anong ginagawa niya ngayon?

Inaagawan ako ! nananadya ba siya ?? o talagang gusto niya ang ginagawa niya ?? di ko alam na. Ganito pala ugali niya. Ngayon na nga lang ako nagmahal ng seryoso sa isang babae, inagaw pa niya ! sana lang makapagtimpi ako. Dahil..

Sabik na ang kamao kong dumampi sa mukha niya pagnagkataon. After ng dance number na nnagpe-perform ngayon, tutugtog kami ng banda … Yun ang isa sana sa gift ko sa kaniya…I’ll dedicate that song para lang sa  kaniya ..

Kung alam lang niya sana …. Kaso, kinakain ako ng hiya ko kaya wala akong magawa… sa totoo lang, ang kakantahin naming ay paborito kong kanta … at ako mismo ang pumili at nagrequest sa kanilang iyon na lang ang kantahin ko ..

Tutal, ako naman ang kakanta … sana nga magustuhan ni Yasmine .. sinadya siguro ang kantang yon para sa kaniya … yung mga lyrics kasi nun, gustung-gusto ko sabihin sa kaniya ..

Maya-maya, tinawag na kami ng presenter na umakyat ng stage dahil it’s our turn para magperform. Naiwan naman si Yasmine together with our manager and other special guests sa table namin.

Kinakabahan ako.. Sana magawa ko toh ng tama … Malas na lang kung pipiyok man ako dahil sa tense na nararamdaman ko. Gusto kong ipakita kay Yasmine kung gaano ako ipinagmamalaki bilang leader at vocalist nitong banda.

Gusto kong baling araw, hindi niya pagsisisihang mamahalin niya ako pagnagkataon.

Nang makaakyat kaming lahat sa stage, chineck namin yung mga instruments na gagamitin. Mula dito, kitang-kita at tanaw na tanaw ko si Yasmine. Nasa pinakaunahan kasi siya nakaupo. Nang matapos kami magcheck, nagsalita na ako. I can do this just for her..

“attention everyone,uhmm..first of all happy valentines day sa lahat …”, pauna ko. naghiyawan naman lahat ng nanonood specially girls … tinignan ko si Yasmine nakatitig rin siya sakin.

Kaya naman nagtagpo ang mga mata namin at siya naman ang umiwas at tumingin siya sa ibang direction, galit parin siya sakin.. hayys.

“today our band will perform a song para sa inyong lahat. But specially,I dedicate this song to a girl I really dreamed pero…di niya alam na I have feelings for her,  and I just wanna say I love you kahit di mo alam na mahal kita, and now.. we proudly present to all of you, ‘KUNDIMAN’ by silent sanctuary ..”, intro ko at pagkatapos ko magsalita, I bow my head and took a deep breath.

I can do this sa harap niya.

Naghiyawan naman silang lahat na tila kinikilig. Yung iba ay may mga winawagayway pang posters na kami ang nasa picture. Hindi ko narin nagawang tignan si Yasmine kasi baka mas masaktan ako kung makikita ko ngang di siya makikinig sa kanta ko. At nagsimula na kami ..

(A/N : play the video on the side.. kundiman by silent sanctuary -------->)

Para kang asukal 

Sintamis mong magmahal 

Para kang pintura 

Buhay ko ikaw ang nagpinta 

Para kang unan 

Pinapainit mo ang aking tiyan 

Para kang kumot na yumayakap 

Sa tuwing ako'y nalulungkot 

sana,malaman niyang mahal ko siya para masabi ko na ang mga toh sa kaniya .. pero kahit di niya man alam .. sana wag na siyang umiwas ..

(chorus) 

Kung hindi man tayo hanggang dulo 

Wag mong kalimutan 

Nandito lang ako 

Laging umaalalay 

Hindi ako lalayo 

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw 

Naiiyak ako sa totoo lang. Pero pinipigil kong lumuha.. natatamaan kasi ako sa chorus ng kanta ..kasi…’hinding hindi talaga ako lalayo dahil panalangin ko ay tanging siya ..’

Di baleng maghapon umulan 

Basta't ikaw ang sasandalan 

Liwanag ng lumulubog na araw 

Kay sarap pagmasdan 

Lalo na kapag nasisinagan ang iyong mukha 

Ayoko ng magsawa 

Hinding-hindi magsasawa sa'yo 

(refrain) 

Kaya't wag magtataka 

Kung bakit ayaw kitang mawala 

(chorus) 

Kung hindi man tayo hanggang dulo 

Wag mong kalimutan 

Nandito lang ako 

Laging umaalalay 

Hindi ako lalayo 

Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw 

Sobrang laki ng pasasalamat nang matapos na ang kanta. Pasimple akong tumalikod sa audience para saglit na punasan yung luha ko sa mga pisngi ko na knina pa nagbabadyang tumulo..

Nakita naman ng mga kabanda kong sila Aaron, Migz at iba pa na naluha ako .. kaso naga-alangan silang lumapit sakin dahil nasa stage kami ..

Nang makababa kami.. binagga ako ni Dustin tapos ay tuluy-tuloy na naglakad papunta kay Yasmine. Alam ko naman kung bakit niya ako tinabig ..

Ramdam ko naman sa mga kilos niya noon pa nung una niyang Makita si Yasmine, alam kong gusto niya rin ito …Bestfriend ko siya pero handa kong ipaglaban ang tinitibok ng puso ko kaysa sa friendship namin ni Dustin na sinira niya.

------

~MissOrdinaryGirl

My One And Only YOU *COMPLETED*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon