"Ikaw lang naman binubully ko e. Ayaw mo nun?"
"Wow a? Dapat ko ba ipagmalaki na ako lang binubully mo?"
"Oo, ipagmalaki mo na para sakin, ikaw lang. Kinilig ka ba sa banat ko? Hahaha" asar sakin ni Jeron. Try ko kaya sabihin ng oo baka magulat to. Hahaha
"Hmmmm, konting bola pa. Haha joke lang"
"Walang halong pambobola yun, Karla. Haha"
"Wehhh. Hindi ka pa ba sawa sa bola, Alvin? On court may hawak kang bola, off court nambobola ka. Hahaha"
"Grabe ka naman. Ayaw pa maniwala. Pero aminin mo, kinilig ka."
"Bakit ba gustong-gusto mong pakiligin ako? Nako pag ako na-fall sayo, Alvin. lagot ka. Hahahaha Loko lang"
"Edi sasaluhin kita. Hilain pa kita para ma-fall ka e. Hahaha"
"Hahaha ano ba yan tawang-tawa ako. Dami mong alam! Hahahaha" sabi ko kay Jeron.
"Pinapakilig na kita, pinapasaya pa. Swerte mo sakin."
"Ayan nanaman po, mga kaibigan. Ang nag-uumapaw na self-confidence ni Jeron Alvin Teng."
"Tanggap mo naman" sagot niya sakin
"Nasanay nalang ako. Haha" sabay hikab.
"O, inaantok ka na. I-recline mo nalang yang seat para mas comfortable ka."
"Mamaya na. Nakakahiya naman sayo. Pero tutulugan naman kita pag di ko na kaya antok ko. Haha"
"Ganyan din sinabi mo nung unang date natin" sabi ni Jeron
"Maka-'date' ka naman. Pustahan yun diba."
"Hindi pa ba date yun? Nag-PS3 tayo, dinner, movie, coffee. Ano pang kulang dun? Hahaha" Ano ba, Jeron. Kinikilig ako pag naaalala ko.
"You didn't ask me out. Yun yung kulang. Hahahaha joke lang. And ang original plan tayo nila Thomas at Luigi yun" sagot ko kay Jeron.
"Fine, you win. So will you go out with me? Ayan, I asked you out." tanong niya sakin. Tinignan ko siya pero mukhang seryoso siya at sa daan kasi siya nakatingin.
"Hahaha ewan ko sayo. Lakas ng trip mo, Jeron. Makatulog na nga rin. Bilisan mo magdrive a. Gutom na ako e. Haha" sabi ko sakanya. Hindi ko kasi alam ano gagawin ko. Buti di niya ako tinanong ulit. Makatulog na nga.
--------------------
Jeron's POV
"Fine, you win. So will you go out with me? Para may date na tayo." sabi ko kay Celine. Napansin kong tinitigan niya ako. Akala niya ata nagjojoke lang ako.
"Hahaha ewan ko sayo. Lakas ng trip mo, Jeron. Makatulog na nga rin. Bilisan mo magdrive a. Gutom na ako e. Haha" sabay recline niya ng upuan. Ano ba yan, seryoso naman akong niyayaya ko siya tinawanan lang ako. Hay, Celine ano bang gagawin ko sayo?
"Bro, tinawanan ka lang. Hahahaha" nagulat ako nung biglang nagsalita si Thomas. So kanina pa to nakikinig sa usapan namin ni Celine?
"Kanina ka pa ba gising?" tanong ko kay Thom
"Hindi naman ako natulog e. Hahahaha I want to see how the Jeron Teng makes his moves. Haha kaso parang di ka umuubra kay Madrigal e. Hahaha" pang-asar sakin ni Thomas
"Chismoso ka talaga kahit kelan. Wag ka nga maingay diyan baka marinig ka ni Karla."
"Yun o, literal na first name basis. Teka tignan natin kung gising pa. Madrigal, Madrigal. May cookies ako gusto mo ba?" sabi ni Thomas. Natawa nalang ako sakanya. Nung hindi nagrereact si Celine, nagsalita ulit si Thomas "ayan, tulog yan. haha"
"Loko-loko ka talaga. Haha" sabi ko sakanya
"Pero bro, seryosong usapan. Susuportahan kita kay Celine kung siguradong-sigurado ka na."
"I really like her. Masaya ako pag kasama ko siya. Nagseselos ako pag iba. Pero natatakot ako masaktan siya. Pano kapag nawalan ako ng time sakanya? Or pano kapag sa basketball naman nawalan ng focus?"
"That's why I like Celine for you. Kasi she's generally a nice person and she understands. Yung kuya niya basketball player so kahit papano she knows how it is."
Napatingin ako kay Celine. Alam kong siya ang makakapagpasaya sakin, at sana ganun din ako sakanya.
"I'm sure." sabi ko kay Thom.
YOU ARE READING
Expected, but not really.
FanfictionHi, I'm Jeric Marco Gray Fortuna - taking up Marketing Management, captain of the UST Growling Tigers, currently in a relationship. ---------------------------------------------------------------------- Hi, I'm Karla Celina Herrera Madrigal - taking...
Chapter 21: Number Twenty-One
Start from the beginning
