"Grabe Celine, mga kuya mo lang sweet? Pano naman kami? Baka magtampo niyan si Jeron. Hahaha" asar sakin ni Luigi
"Edi kayong lahat na sweet. Matampuhin ka dela Paz! Haha Nasan na ang pizza?"
"Hay nako, Celine. Ikaw talaga. Check mo sa table, may isa pang box dun." sabi ni kuya Mac
"Yaaaay! Love niyo talaga ako. Haha Sige initin ko na para may kakainin tayo"
Ang sweet nga naman talaga ng mga kuya ko. Natawa ako dahil isang box pa talaga tinira nila. Buti square cut ginawa nila, hindi effort kumuha-kuha mamaya. Pagbalik ko, may kanya-kanya na silang position sa sala. Ang free space nalang e yung nasa dulo ng couch, sa tabi ni Thomas. Ayoko pa naman ng dulo kasi horror papanoorin namin.
"Torres," bulong ko kay Thomas "Palit naman tayo. Ayoko kasi dito sa dulo e."
"Dumadamoves ka Madrigal a. Gusto mo lang katabi si Jeron e."
"E seryoso naman kasing natatakot ako. Wag na nga dito na ako"
"Uy joke lang. Tara na palit na tayo."
"Hindi wag na, okay na."
"Sus nagtampo pa. Oy Jeron!" sabi ni Thomas
"Bakit, bro?"
"Dito ka nga sa dulo ng couch. Natatakot si Celine e"
"Hoy, Torres sabi ko okay lang ako." sabi ko kay Thomas
"Kayo nalang kaya magpalit" sabi ni Jeron
"Ayoko rin sa dulo e. Hahaha"
"Huy Thomas ano ba yan nakakahiya ka. Hahaha" asar ni Luigi
"E sa ayoko sa dulo e. Edi ikaw nalang dun" sabi ni Thomas kay Luigi
"Ganda na ng upo ko dito e"
"Ikaw rin pala e" sagot ni Thomas
"Mag-aaway pa tong mga to. Sige na ako na dyan sa dulo." Umurong kami ni Thomas para makaupo si Jeron sa dulo. Ano ba yan, kala ko naman matapang din to si Thomas. Haha
Nagstart na ang movie. Tuwing magugulat ako, napapansin ko parang natatawa si Jeron. Nung nagulat ako at nakita ko siyang napangiti, hinampas ko siya.
"Aray! Bakit mo naman ako hinampas?" tanong sakin ni Jeron
"E kasi naman tinatawanan mo ko nagugulat na nga ako"
"Ang cute cute mo kasi e. Haha"
"Che. Manood ka na nga lang." sabi ko sakanya.
Habang nanonood kami, may napapansin akong kumakalabit sa balikat ko. Siyempre dahil matatakutin ako, hindi na ako lumingon kahit na alam kong si Jeron lang yun.
"Tigil-tigilan mo ko sa panttrip mo, Jeron kung ayaw mo masapak." banta ko sakanya
"Sorry na, Karla. Alam mo namang ikaw favorite kong i-bully e." sagot niya sakin. Pero hinayaan nalang niyang nakapatong ang kamay niya sa balikat ko. Dumadamoves to si loko e. Joke lang, feeler lang ako. Haha
Pagkatapos ng horror movie, feel good naman ang pinanood namin. Dahil spoiled ako, pumayag sila na Pitch Perfect ang panoorin namin. Ayaw pa nila umamin, pero alam ko namang nag-eenjoy din sila sa movie.
"Celine!" tinawag ako ni kuya nung paakyat na ako
"O?"
"Tagaytay daw tayo tomorrow. Dun narin tayo magbbreakfast. 6am dapat gising ka na"
YOU ARE READING
Expected, but not really.
FanfictionHi, I'm Jeric Marco Gray Fortuna - taking up Marketing Management, captain of the UST Growling Tigers, currently in a relationship. ---------------------------------------------------------------------- Hi, I'm Karla Celina Herrera Madrigal - taking...
Chapter 21: Number Twenty-One
Start from the beginning
