Killist 21 - Anonymous - A friend or a foe?

203 3 2
                                    

21. Anonymous —A friend or a foe?

*Jake's POV*

"Tara. May pupuntahan tayo." yaya ko kay Princess.

Pinuntahan ko siya sa bahay nila. Wala parents niya eh.

Kagabi ko pinatay sa Angela.

At hanggang ngayon, nagtatampo pa rin sakin si Princess.

"Tinatamad ako." maikli niyang sagot.

Huminga na lang ako ng malalim.

"Babybunch.. sorry na po."

Di niya ako pinansin.

Tumingin lang siya ng diretso sa tv ng biglang cinut yung show na pinapanood namin dahil sa breaking news.

"Breaking news. Katawan ng isang babae, natagpuang patay sa condo unit niya. Hinihinalang ang pangalan ng bankay ay Angela Mouri."

sabi ng reporter.

tapos biglang pinakita yung picture ng Angela.

Napatingin sa akin si Princess.

"Mouri?"

"Pinsan ko siya. Well, not really. Siya ang pinagselosan mo di ba? Pwes, pinatay ko na siya. Alam kong may gusto siya sa akin kaya sinend niya sa iyo yung picture na iyon. Pinilit niya ako nun eh. Wala akong magagawa. Di ko naman alam na isesend niya pala sayo."

"Pinatay mo siya? Kaagad? Kailan?"

Napangiti tuloy ako.

Ang cute kasi niya habang nagtatanong eh.

"Kagabi. Pagkahatid ko sayo."

"Pero baka mahuli ka. Nabalita siya sa news-"

"As if naman. Maghihinala ba sila sa pogi mong boyfriend?" sabi ko sabay pogi sign.

Napatawa tuloy siya.

"Yabang mo."

Napa-iling na lang ako ng biglang mag ring ang cellphone ko.

"Sino yan?" Princess

"Si mommy. Baka nakita niya na ang breaking news. Sagutin ko lang."

Tumayo ako at pumunta sa may terrace.

"Hello, ma."

"Jake! Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa pinsan mo?!"

"Opo ma. Ano po ba nangyari. Sino ba ang pumatay sa kanya? May hint na ba? Kawawa naman si Angela." sabi ko.

Syempre, nagkunwari akong concern.

"Wala pang lead. Buti na lang at ligtas ka. Mag iingat ka, nak."

"Opo ma. Sige po. Pupunta na lang kami ni Princess sa burol ni Angela bukas. San po ba siya ibuburol?"

"Sa bahay ng tita mo. Kasama mo si Princess?"

"Opo. Naandito ako sa kanila. Condolence daw."

"Ang bait talaga ng bata na yan. Ikamusta mo ako."

"Sige po. Bye ma."

"Bye anak. Ingat ka."

Inend call ko na.

Papasok na sana ako ng may napansin akong lalaki na nakatingin sa gawi ko.

Di ko masyadong maaninag dahil nakahoodie siya at nakasandal siya sa kotse niya.

Putek sino to?

Aalis na sana ako ng bigla niyang tinaas ang kamay niya at nag form ng baril sa kamay.

Tinutok niya sa akin yng kamay niya at kunwari ay binaril ako.

What the hell!?

Dali dali akong umalis ng terrace at bumaba.

Narinig ko pa si Princess na tawagin ako.

Pero pagbukas ko ng gate, wala na siya.

Bwisit.

Sino yun?

"Jake, ano problema? Nilagpasan mo lang ako. Sino hinanap mo?" tanong sa akin ni Princess.

"Wala.. wala. Tara pasok na tayo."

Sino kaya yun?

---

*Anonymous' POV*

Binabantayan ko sila Princess at Jake.

Buti hindi ako namukaan ni Jake.

Tumigil muna ako sa isang restaurant.

Tatawagan ko si JR.

Mabuti na lang at sinagot niya ang tawag.

"S-sino to?" halatang takot siya.

"Di na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay umalis ka na. Magpakalayo ka na. Bago ka pa mapatay ni Jake."

"Sino ba to?!"

"Basta. Umalis ka na. Wag kang magsusumbong na si Jake ang killer kung hindi ako mismo ang papatay sayo." sabi ko.

Tinakot ko lang siya. Di naman talaga ako mamamatay tao.

Kailangan lang to para sa proteksyon ng Celandine kayla Jake.

"H-huh?! Wag please! Wag mo akong patayin! Di ako magsusumbong! Hindi ako magsusumbong! Aalis na ako! Aalis na ako!"

"Good."

"S-sino ka ba?!"

"Hindi ito ang tamang panahon para malaman mo kung sino ako. Pero, kilalang kilala ko kayo.. lalo na si Princess.."

"Huh? T-teka... ikaw ba si-"

Inend call ko na.

Like what I've said.. di pa ito ang right time para makilala nila ako.

---*

Anonymous wooooooo.

Hahaha update bruu :)))))

Ugh. May bad news, hack si Kathryn (Bernardo) sa instagram, twitter at sa email niya :(((((

Letcheng hacker! Sino kaya yun?!

Yeahhh.. i smell sembreak ;)))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DomoKittyChopper's KillList (On-Going) KATHNIEL FFWhere stories live. Discover now