Chapter Twenty Nine

Start from the beginning
                                    

Naramdaman ko bigla na lumapit ito sa akin. Mayamaya pa ay naramdaman ko na paghinga nito sa kanang tainga ko.

"Arjhay, pwede mo bang pakiusapan para sa akin si Trevor na mag-groceries?" bulong nito sa akin.

"Huh?" Bakit ako? Gusto ko iyong itanong dito pero simpleng 'huh?' lang ang lumabas sa bibig ko.

"Sige na, Arjhay. Tinatamad na akong lumabas e. Kung ikaw mag-uutos, susunod iyan agad sa iyo."

"Yuya!" sigaw ni Trevor mula sa itaas ng bahay. Narinig namin ang nagmamadali niyang hakbang pababa ng hagdan.

"Gawin mo na lang. Please," pakiusap ni Yuya bago tuluyang lumayo sa akin. "Oh? Problema mo at nagmamadali ka-- Aray!"

"Bakit hindi ko nilinis ang kwarto ni Arjhay?! Ni hindi nga ata nadaanan ng walis ang sahig!" pagrereklamo ni Trevor dito.

"Nakalimutan ko e. Pasensya naman. Pwede naman kayong magtabi muna sa kama e," suhestiyon ni Yuya.

Biglang kumabog ang dibdib ko at pakiramdam ko ay namula ng sobra ang mukha ko dahil sa sinabi nito. Napayuko na lamang ako ng bahagya at napakagat ng labi.

"Well, pwede naman," pagkokonsidera pa ni Trevor sa ideya ni Yuya.

"Ay, may sasabihin pala sa iyo si Yuya!" Biglang umakbay sa akin si Yuya at saka bumulong. "I did my move. Your turn."

Napalunok naman ako at nag-aalinlangang ngumiti. "Ah e, Trevor.."

"Bakit, Arjhay? May masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong niya sa akin bago hawakan ang mga kamay ko. "Ano, Arjhay?"

"Ah, kasi..." Napakagat ako ng labi bago magpatuloy. "N-nagugutom na kasi ako e. H-hindi pa raw nakakapag-groceries si Yuya. Pwedeng bumili ka muna ng makakain?"

Natigilan siya sa sinabi ko. Ramdam ko ang tagal ng pagtitig niya sa akin kaya napayuko na lamang ako.

"Ano bang gusto mong kainin?"

Nagulat ako sa tanong niya at napaangat ng ulo. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya kahit hindi ko naman talaga siya nakikita. I cleared my throat at saka humalukipkip.

"Gusto ko sana ng adobo. Miss ko na kasi ang pagkaing Pinoy e."

"Sige." Mabilis naman siyang humiwalay sa akin, dahilan para mangulila agad ako sa presensya niya. "Yuya, ikaw na muna bahala dito. Bibili lang ako para sa pagkain natin."

"Yes, boss!" masayang sang-ayon naman ni Yuya sa kanya.

Konting paggalaw pa ang naramdaman bago ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto. Naramdaman kong sinundan ni Yuya si Trevor sa pinto.

"Sabi sa iyo e, susunod agad iyon sa utos mo e."

"Gusto ko na sanang maupo, Yuya."

Lumapit ito sa akin at inalalayan ako paupo sa isang sofa. Mabilis kong isinandal ang aking likod at pinakiramdaman sa aking talamapakan ang lambot ng carpet.

"Arjhay..."

"Hmm?"

"Kailan ka nagkagusto kay Trevor?" mapag-usisang tanong ni Yuya. "Well, gwapo siya. Pero hindi iyon sapat. So paano mo siya nagustuhan?"

Ngumiti ako sa kawalan bago sumagot sa tanong nito. "Kailan? Unang beses na makita ko siya noong nadaganan niya ako noong mahulog siya sa puno. Doon palang, alam kong gusto ko na siya kahit inis ako noon sa kanya. Paano? Hindi ko rin alam. Basta naramdaman ko na lang. Tinanggap ko na lang kaysa ako mismo ang mahirapan."

"Kailan pa iyang nadaganan ka niya?"

"Noong bakasyon. Nag-enroll ako sa Crown."

"Gano'n katagal na?! Bakit hindi mo sinabi sa kanya?"

Crown 2: Fall Into MeOn viuen les histories. Descobreix ara