Chapter Twelve

2.6K 105 0
                                    

     NAPATULALA ako sa lalaking nasa harap ko, sa lalaking nagsasabing tatay ko siya.

     Hindi ko alam kung masasabik ba ako dahil nakita ko na rin ang tatay ko o magagalit dahil iniwan ako nito. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. Maraming emosyon ang gumugulo sa akin.

    Naramdaman ko na lang na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin dito. Nangibabaw rin sa akin ang papaging sabik sa kanya dahil nandito na ito. Na sa wakas ay may tatay na ako.

    Hindi ko tinanggap ang nakalahad nitong kamay, bagkus ay mabilis akong tumayo at yumakap rito. Nagulat man ay gumanti rin ito ng yakap.

    "Shh," pagpapatahan sa akin nito. "I'm now here, son. I won't leave you again."

    Pero hindi ako tumigil at umiyak lang ako ng umiyak sa dibdib nito. Hinahaplos naman nito ang likod para pakalmahin ako. Napansin ko ring nakangiti sa amin sina Kuya at Ate.

    "I won't leave you again, son," sabi ng tatay ko. "I won't."

    Nakaramdam ako that time ng assurance, assurance na ngayon mararamdaman ko na pakiramdam na may pag-aalaga ng isang ama.

    KUMAWAY ako kina kuya at ate habang nakasakay kami ni Horen sa kotse ni Dad. Gusto raw kami nitong ihatid sa Crown dahil pagkatapos naming magdramahan sa harap ng mga kapatid ko at ni Horen, tumunog ang cellphone nito at ayon, nagpaalam ito na aalis na dahil may meeting ito tungkol sa project na ipinunta nito dito. One month lang kasi ang ilalagi ni Dad dito sa Pilipinas dahil nga sa business.

    Nag-umpisa nang umandar ang kotse at wala pa rin akong tigil sa pagkaway kina kuya at ate. Akala mo hindi uli magkikita e.

    Nang medyo nakakalayo na kami ay napangiti na lang ako sarili ko. Masaya ako na kasama ko na ang tatay ko. Kahit na sabihin nating may lungkot pa rin sa puso ko dahil wala na si Trevor, napalitan naman ito ng saya sa pagdating ni Dad.

    Ika nga nila, "Sa tuwing may umaalis, may dumarating."

    "Arjhay."

    Napatingin naman ako kay Dad na kasalukuyang nakatingin lamang sa daan.

    "Yes, Dad?"

    "You know that my stay here in the Philippines is only for a month, right?" tanong nito sa akin.

    "Yes, Dad."

    "I was just thinking if..." Inihinto ni Dad ang kotse dahil sa naka-red ang traffic light. Tumingin ito sa akin. "...you want to come with me."

    Nagtataka naman akong tumingin dito. "Where, Dad?"

    "Korea," nakangiting sagot nito sa akin. "Well, if you just to come with me. I won't force you."

    Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Naghahalo ang emosyon sa dibdib ko at hindi ko na maiintindihan ang mga nangyayari. Excited akong makarating sa Korea, yes, pero hindi ko rin mae-enjoy dahil alam kong may maiiwan ako rito sa Pilipinas. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin.

    "You still have a month to decide. You don't need to pressure yourself," pag-a-assure sa akin ni Dad. Siguro nakita niyang naguguluhan ako kung ano pipiliin ko.

    Muli nang umandar ang kotse nang mag-go na ang traffic light.

    Napaisip ako. Should I accept Dad's offer? Kasi nanghihinayang ako sa opportunity na makasama ng matagal ang Dad ko at makapunta na rin ng Korea. Pero syempre, may pag-aalinlangan din ako. May maiiwan kasi akong mga tao e, katulad nina Horen at mga kapatid ko.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon