Chapter Six

4.1K 136 1
                                    

NAGING masaya naman ang gala namin ni Trevor minus the pangti-trip part niya sa dalawang babae na nadamay lang naman ang inosenteng si Ako. Aba! Nakakasakit siya ng hindi niya namamalayan. He should be more sensitive, especially to other's feelings.

Wow! Parang alam niya iyong tungkol sa nararamdaman mo a? Try mong umamin, sabat ng magulo kong utak.

Oo nga naman. Alam ba niya na nasaktan ako sa sinabi at ginawa niya? Stupid me. Hindi pa nga ako naami--

Wait! Ano namang aaminin ko?! Ito talaga ang nangyayari kapag maraming iniisip e, kung anu-ano na lang napasok sa utak. Ma-try nga minsan huwag mag-isip.

Mamaya pa'y dumating na ang nakasimangot na si Horen. May dala itong bagpack kaya alam kong hindi pa ito nakakabalik sa kwarto nila ni Mikel mula sa bahay nito. Monday na kasi ngayon. Hindi ko nakita si Horen for two days dahil umuwi ito sa bahay nila.

"Hey," bati ko dito. "Kumusta?" tanong ko pa rin kahit alam kong hindi ito okay. Sa pagkakaalam ko ay magka-away pa rin sila ni Mikel.

"Not okay, Jhay." Patalikod nitong binagsak ang katawan sa kama ko. "Ayokong pumunta sa kwarto ko."

Napabuntong-hininga ako at naupo sa tabi nito. "Hindi ka makakaiwas ng matagal kay Mikel. Mabuti pa ay pag-usapan niyo na iyan."

Tumayo ito sa pagkakahiga pero nanatili lang itong nakayuko. "Hayaan mo siya. Nakakainis na kasi e. He's so annoying. He can tell it straight to my face, kaya bakit kailangan pa niyang magparinig sa akin? Just because we didn't go to arcade, he'll act like a brat?" hindi nito makapaniwalang komento. "That's childish!"

"Wow!" react ko sa sinabi nito. "Is it seriously coming from you?" asar ko dito.

Inis na tiningnan ako nito. I just rolled my eyes on him.

"You know what, parehas kayong may problema dito," panimula ko. "I mean you two both acted childish. Imbis na mag-sorry ang isa ay nagpataasan pa kayo ng pride. Don't you think that's childish?" Napayuko ito sa sinabi ko. "Now, go and fix things."

"No way!" mariing tutol nito sa sinabi ko. "Siya dapat ang unang kumausap sa akin!"

"Ren, there's nothing wrong on swallowing your pride once in a while if it will fix things. Kung maghihintayan lang kayong dalawa, walang mangyayari. Wala ring masama kung ikaw ang unang kakausap." Unti-unti na itong napangiti sa mga sinabi ko. "Saka kaya mo bang tiisin ang taong mahal mo?"

Biglang nanlaki ang mga mata nito, shock is written on his face. "How did you..."

Napangisi ako rito. "Fake clairvoyance. I actually don't know that you love Mikel."

Namula naman ito sa sinabi ko. Taranta itong tumayo. "Puntahan ko na si Mikel." Agad itong humangos palabas ng kwarto ko. Tumawa naman ako ng malakas. Tumayo na rin ako at lumapit sa pinto para isara ito. Note to self: always lock the door. Lakas mangbulabog ni Horen e.

KASALUKUYAN kaming nasa klase ni Horen at bagot na nakatingin sa teacher naming anak ni Jigglypuff. Seriously, she's boring. Nagsusulat ito ng kung anu-ano sa pisara habang nagsasalita. Sino ba talaga ang estudyante nito: kami o iyong blackboard?

"Ok, class." At ayon, hinarap na rin kami nito. Akala ko'y hindi na kami nag-e-exist para sa kanya e. "I'll group you by four for your project. Madali lang naman ang project natin. Since our topic by next grading is Greek mythology, I want you to make a portfolio about different Olympian gods and goddesses."

Naging kagrupo ko naman si Horen. Tapos iyong dalawa naming naging kagrupo ay isang miyembro ng Red Hearts na si Max at ang mismong ace ng Hearts na si Ronald Ong, na siya ring sinupladuhan ako one time.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon