Chapter Twenty Three

2.3K 80 5
                                    

"FINALLY!"

Pagod kong ibinaba ang hawak kong bag nang makapasok kami sa loob ng kwarto namin. Mabilis kong kinuha ang isang futon sa isang gilid at inilatag ito.

"Matutulog ka na?" tanong ni Trevor sa akin nang makapasok siya sa loob ng kwarto at naabutan akong nakahiga na.

"Hindi naman," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kisame. "Magpapahinga lang. Besides, I want to enjoy this place."

"You should be," sagot naman niya sa akin habang dahan-dahang ibinababa ang gamit niya sa isang gilid. Kinuha niya ang bag ko at itinabi sa bag niya. "It would be a waste if you don't."

"Bakit hindi mo sinabi na sa hot spring pala tayo pupunta?" Nilingon ko siya at nakita kong kasalukuyan siyang naglalatag ng futon sa tabi ko.

Parang lumaki ang ulo ko sa ideyang magkatabi lang ang aming higaan. Like seriously? Was this some kind of joke? I knew that I was wishing for this things to happen, but damn! Ginugulat ako ng tadhana. Hindi ko naman akalaing tutuparin nito agad agad ang mga hiling ko.

This trip is a dream come true. It feels like it's too good to be true. Hope this moment last.

I came back to reality when I heard him chuckled.

"Because I didn't actually plan to go a hot spring. It is just a coincidence this inn is one."

"You mean this is not our real destination?"

"Yup," nakangiting sagot niya habang inaayos pa rin ang futon na kanyang gagamitin.

Mayamaya pa ay humiga na siya ng patagilid at humarap sa gawi ko. I gasped for air when I realized our closeness. I mean, konting tulak na lang ay mahahalikan ko na siya. I wanted to move away but his eyes were hypnotizing me, telling me not to. And I prayed for all the fates that was witnessing our little scene to make this one last.

Pero mukhang umaabuso na raw ako kakahiling dahil biglang may ingay sa labas ng kwarto, which startled Trevor causing him to move away. And seriously, gusto kong isumpa ang maiingay na magkakaibigan na dumaan sa labas. Mukha ring hindi matatawaran ang pakikipaglaro ni Tadhana dahil sa katabing kwarto lang pala namin ang nagtatawanang barkada.

"Looks like we have to rest with a headache," nakangising sabi ni Trevor sa akin.

"Yeah." I rolled my eyes at him. "Tell me something I don't know."

Tumihaya ng higa si Trevor at inilagay ang braso niya sa kanyang noo. I took it as an opportunity to stare at him.

Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya, mas lalo ko lang nare-realize na hulog na hulog ako sa kanya. Baka obsessed na ako sa kanya.

I don't know if that's good or bad though.

Mayamaya pa ay tumayo si Trevor.

"I'll try their hot spring," paalam niya sa akin. "Sunod ka na lang kapag gusto mo na." And with that, he left the room.

Now that I am alone, I ended up thinking of my feelings for Trevor, asking myself till when. But of course I doubted this feeling would fade away soon.

Kinuha ko ang phone and I started dialing his number. After a few rings, he answered.

"Hey!" maligalig nitong sagot sa kabilang linya.

"Hey," sagot ko rito habang nangingiti. "Mukhang masaya ka a?"

"I told you about Moises, right?"

"And?" inip na tanong ko rito. "He's the reason why you're happy?"

Bigla naman itong humagikgik na ikinaikot na mga mata ko.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon