Chapter Five

4.6K 145 4
                                    

"WHERE do you think you are going?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Doon, nakita ko si Trevor sa taas ng isang puno. May hawak na naman siyang libro.

"Uh. Hi, Trevor," bati ko dito. Hindi ko alam kung magiging masaya ako na nakita ko siya o kakabahan dahil may nakahuli sa amin.

Bumaba siya sa puno at nakangiting pumunta sa amin. Ewan ko kung paano niya nagawa iyon ng ilang minuto lang. Basta nasa harap na agad namin siya.

"Saan ang punta niyo?" tanong uli niya.

"Ah, eh," utal na sagot ko.

"Balak namin sanang maggala. Nakakaburyo na dito e," salo ni Horen sa akin.

I sighed in relief. Hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin e.

"Talaga?" Biglang naging masaya ang tono ng boses niya. "Pwedeng sumama?"

Nagkatinginan kaming tatlo. Si Horen, parang nag-aalangan na umoo; si Mikel, walang paki kung sumama si Trevor o hindi; at ako, nahihirapang mag-poker face para maitago ang excitement at saya kapag sumama si Trevor. Feeling ko nga e, mauutot ako anytime sa sobrang pagpipigil ko e.

"WAAAAAAH!" rinig kong sigaw ng mga tao mula sa lugar namin na ikinahantungan namin after an hour of arguing where to go.

Nasaan nga ba kami? Well, narito kami ngayon sa isang amusement park. Nakipag-away pa talaga si Horen para lang dito kami pumunta. Hindi nga sila nagpapansinan ni Mikel e.

BUT! Isang malaking pero, ayon sila at magkatabi. Hindi sila nagpapansinan pero halata namang pareho lang silang nakikiramdam. Arcade kasi ang gustong puntahan ni Mikel e.

Kasalukuyan kasi kaming nakain ng burger at ice cream. Nasa harap namin ang dalawa na nay lovers' quarrel at katabi ko naman ang nagagalak sa kanilang dalawa na si Trevor.

"Ano una nating sasakyan sa mga rides?" tanong ni Horen at made-detect mo sa boses nito ang excitement.

"Ikaw na bahala, Ren," sagot ko dahil wala namang balak sumagot iyong dalawa: tampo pa si Mikel at busy sa pagkain si Trevor. "Wala akong alam sa mga ganyan e."

"Siya nga lang natutuwa e," bulong naman ni Mikel pero sapat na ang lakas nito para marinig namin.

Napabusangot si Horen at saka tumayo. "Umuwi na tayo."

Napatayo na rin ako sa kagustuhan kong umapela. Ano iyon?! Namasahe lang kami at kumain?!

"Nandito na tayo e. Why not enjoy?"

"Bakit hindi mo itanong sa isa diyan? Sana hindi na lang tayo tumakas. Nag-aksaya pa tayo ng oras at pera," sabi ni Horen bago tumalikod at naglakad palayo sa amin.

Napasabunot naman ako at umupo. Kakarating lang namin, uwi agad?! Great.

Narinig kong bumuntong-hininga si Mikel bago tumayo.

"Sundan ko lang iyon," paalam nito sa amin. Papaalis na ito nang marinig ko pa itong bumalong ng, "Ako na naman ang susuyo."

"ANO uunahin natin?" tanong ni Trevor sa akin.

Dalawa na lang kasi kaming magkasama ngayon. Hinabol nga ni Mikel si Horen pero naabutan nitong nakasakay na ang huli pauwi. Kaya ayon, hinabol pa rin nito. Ang ending, kaming dalawa na lang ni Trevor ang magkasama.

Ewan ko nga kung matutuwa ako na kaming dalawa na lang magkasama e. Syempre magkaaway pa rin iyong dalawa. Not a good time for me to celebrate.

"Kahit iyong mga common na rides na lang," sagot ko sa kanya. "Wala akong alam sa mga rides e."

"Siguro sa rollercoaster na lang muna tayo."

Nakipila kami sa mahabang pila ng mga sasakay ng rollercoaster. May mga babae ring tingin ng tingin sa gawi namin ni Trevor pero parang wala lang naman kay Trevor. Actually nakatingin lang siya ng diretso.

Ang hirap naman basahin ng isang ito!

Mamaya pa'y hindi na nakuntento ang mga babaeng kanina pa nakatingin sa amin at naisipan ng lumapit ng dalawa sa kanila. Isa rito ay naka-gray na blouse at white na above-the-knee skirt habang iyong isa naman ay naka-floral na dress. Pareho rin itong naka-high-heeled shoes. Parang hindi nga sila bagay dito e. Dapat sa bar sila at doon nagpa-party party.

"Hi," bati noong naka-dress nang makalapit.

Tiningnan lang ito ni Trevor bago bumaling ulit sa harapan. Tipid na ngiti naman ang tinugon ko rito.

"Ah. May kasama pa kayo? Kayong dalawa lang ba magkasama?" tanong noong naka-gray.

"Kami lang," tipid kong sagot.

Nagningning naman ang mga mata nito at ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"Ganoon ba? You want to join--"

"Mukhang mas maluwag ang pila sa ferris wheel, Jhay," biglang singit ni Trevor.

Napalingon ako sa pila ng ferris wheel at oo nga, kaunti lang ang tao doon. Natigilan ako nang maramdamang kong hinawakan niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng kung anong kuryente na dumaloy mula sa mga kamay niya. Pero hindi iyong kuryente na mangingisay ka sa lapag, a? Iyong kuryenteng masarap sa pakiramdam.

Napansin kong nagbaba ng tingin ang dalawang babae at rumehistro sa mga mukha nito ang disappointment.

"Pasensya na, pero mauna na kami a," paalam ni Trevor sa dalawang babae at saka ako hinatak papunta sa ferris wheel.

Nakaramdam ako ng tuwa, kaba at hiya dahil lang sa magkahawak naming mga kamay. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero ok lang sa akin. Angal pa ba ako? E gusto ko rin naman.

Mabilis kaming nakasakay sa ferris wheel dahil nga mas kaunti ang tao rito. Naupo ako sa kanang part ng sinakyan namin at sa kaliwa naman siya. Nakaramdam ako ng panghihinayang ng bitawan na niya ang kamay ko.

Huminga ito ng malalim bago tumawa. Nagtaka naman ako. Hindi ko naman kasi alam kung para saan iyong tawang iyon. Ano ba ang nangyayari?

Ang creepy na talaga ng taong nakapaligid sa akin. Seriously, baka mahawa ako.

Nagtatakang tumingin ako sa kanya. As in nakakunot ang noo ko. Aba! Wala na akong naiintindihan. Napansin naman niya na wala akong ideya kung bakit siya natawa. Try niya kayang i-share, 'no?

Nagpunas siya ng mga mata. Naluluha na kasi siya sa sobrang galak niya.

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya nang unti-unti ng humuhupa ang tawa niya. "Care to share?"

"Hindi mo ba nakita reaksyon nila?" masayang tanong niya. "That was epic." At muli na siyang tumawa ng malakas.

Lalo naman akong naguluhan. Anong reaksyon ba ang sinasabi ng kumag na 'to? Ihahambalos ko talaga siya maya-maya lang kapag hindi pa siya tumigil para ipaliwanag sa akin ang nangyayari.

"Reaksyon nila? Sinong sila?" iritang tanong ko na.

"Iyong dalawang babae," sagot niya na ikinatigil ko. "That was epic. Kita mo ba iyong panghihinayang sa mukha nila? That was priceless." Tumawa uli siya. "Maybe they thought we are lovers and we're on our date." At tawa na naman.

Ako? Ano nga ba ang dapat kong maging reaksyon? Ano ba ang dapat kong maramdaman? Dapat din ba akong magalak tulad niya? Kasi sa totoo lang, masakit e. Pinagtripan niya lang pala iyong mga babae, nadamay pa ako.

Lihim ko ring sinisi ang sarili ko. Dapat pala hindi ko na lang inalam ang dahilan ng pagiging maligaya niya. Naniniwala na ako ngayon sa kasabihang, "Curiosity kills the cat." Because it actually breaks my heart.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon