Chapter Twenty Eight

2.2K 88 7
                                    

WALA akong maramdaman kundi kaba habang marahas na minamaneho ni Mikel ang kotse. Kaba para sa aming dalawa ni Taku.

Narinig kong mas lumakas ang iyak ni Taku. Nilingon ko ito at nakitang tinanggal na nito ang tape sa bibig.

"Taku, hold on! Search for a seatbelt!" sigaw ko rito. Taranta naman nitong hinanap ang seatbelt.

Takot akong humarap kay Mikel.

"Mikel, sasama kami sa iyo. Basta ayusin mo lang pagmamaneho."

"At bakit naman ako makikinig sa iyo?" Tumawa ito sa akin bago panandaliang tumingin sa gawi ko. "Saka kahit naman bagalan o bilisan ko ay sasama kayo sa akin."

"Arjhay..." Napalingon ako kay Taku. Nakita ko ang takot sa mukha nito at kaba. "T-there's no seatbelt."

"W-what...?"

Bigla akong napahawak lalo sa upuan nang biglang mas bumilis ang takbo ng kotse. Ganoon din naman ang ginawa ni Taku. Napansin kong may sumusunod na sa aming police cars.

"Shit!" mura ni Mikel habang mahigpit na nakahawak sa manibela. "Paniguradong si Henri ang nagsumbong sa mga pulis. Lagot talaga sa akin ang lalaking iyon."

"T-Taku, are you alright?"

"Y-yes."

Marahas na lumiko si Mikel sa kaliwa dahilan para mapahawak ako ng mas mahigpit pa sa upuan ko at tumalsik si Taku papunta sa kanang bahagi ng backseat.

Hindi na ako makapag-isip ng maayos sa sobrang takot. Hindi ko na rin nakumusta si Taku sa likod na kasalukuyang nasigaw sa takot.

"Haru!"

Nakaramdam ako ng guilt nang isigaw ni Taku ang pangalan ng kapatid/kasintahan sa tono na humihingi ng tulong.

Bigla uling lumiko ang kotse pakaliwa at sobrang biglaan ay akala ko tatagilid na ang kotse.

"Shit!"

Napatingin ako sa unahan at nakitang may mga police na rin doon. Mabilis na iniliko ni Mikel ang kotse sa kanan para iwasan ang mga ito, dahilan para tumalsik naman pakaliwa si Taku.

"Mikel!" sigaw ko rito nang makalagpas kami sa mga police cars na basta na lang nitong sinagasaan ang iba.

Patawid na sana ang kotseng sinasakyan namin ng isang intersection nang biglang may sumalpok sa bandang kaliwa ng kotse.

Wala akong narinig kundi ang sigaw ni Taku bago magdilim ang lahat.

"HOW is he?" tanong ng isang boses.

Nakaramdam ako ng sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Ni hindi ko nga kaya igalaw ang isang daliri ko marahil sa sobrang bugbog ng katawan ko.

"He'll be fine. He's recovering," sagot naman ng isang boses na hindi pamilyar sa akin.

Bigla kong naalala ang nangyari. Nag-alala naman ako kaagad kay Taku at mahirap mang paniwalaan, pati na rin kay Mikel.

Pero dahil na rin sa pagod at sakit na nararamdaman ko ay nakatulog uli.

SA MULING pagkakaroon ko ng malay ay nanatili lang akong nakapikit kahit ang diwa ko ay gising na. Wala akong naririnig sa paligid kundi tunog ng mga aparato. Indikasyon na nasa isang hospital ako.

Hindi ako gumalaw. Hindi ako nagmulat ng mga mata. At hangga't maaari ay hindi rin ako nag-isip. Gusto kong kalimutan muna ang lahat ng nangyari.

Pero kahit anong pilit ko ay bumabalik at bumabalik sa aking balintataw ang lahat. Ang tawa ni Mikel, ang pag-iyak ni Taku, ang panlilinlang ni Henri, ang pag-asang sana nandoon si Trevor, ang mga pulis, ang mabilis na pagpapatakbo ni Mikel ng kotse, at ang nararamdaman kong takot at kaba. Gusto kong kalimutan panandalian ang lahat pero mukhang pinapahirapan ako ng pagkakataon.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon