Chapter Twenty Six

2.1K 77 0
                                    

NAG-AYOS agad kami ni Trevor ng gamit namin kinaumagahan. Ang plano naming ilang araw dapat mag-i-stay sa Nabari City ay napurnada at naging dalawang gabi at isang araw lang. Hindi ko rin alam kung bakit pero hinayaan ko na lamang siya.

Maingat at maayos kong nilalagay sa bag ko ang mga gamit ko na nailabas ko na noong nakaraang gabi. Ganoon din naman ang ginawa niya.

Katahimikan ang namamayani sa amin. Wala rin naman akong balak magsalita, at sa tingin ko ay ganoon din siya.

Nagkaroon kasi kami ng pagtatalo kagabi, na plano niyang mag-enjoy sa Nabari ay hindi niya nagawa dahil parang wala rin daw siyang kasama. Puro na lang daw ako Henri.

Ewan ko kung ano ang nangyari sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya.

Nang matapos akong ayusin ang mga gamit ko ay tumayo na ako bitbit ang aking mga bag. Nagpalakad ako papuntang pinto para lumabas na, pero bago makalabas ay nilingon ko muna ang nakatalikod niyang pigura na busy sa pag-aayos.ng sarili niyang mga gamit.

At wala talagang balak humingi ng tawad, I said to myself as I mentally rolled my eyes.

Fine, then.

Lumabas na ako ng kwarto namin habang nagngingitngit ang kalooban. Hindi ko matanggap na ganito ang kahahantungan ng gala namin.

Napabuntong-hininga na lang ako habang ang mabilis kong paglakad palayo ay unti-unting bumabagal. Nalilito ako sa mga nangyayari. Napatampal na lang ako sa noo ako sa sobrang dismaya.

"WHERE are you going? You have a really big bag."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nabungaran si Henri na nakangiti sa akin.

"So where are you going?" tanong nito ulit sa akin. Umupo rin ito sa tabi ko.

Kasalukuyan kasi akong nasa bus stop. Ilang minuto na akong naghihintay rito pero wala pa ring nadaan na bus kaya umupo na muna ako sa gutter.

Maganda ang sikat ng araw. Tila nang-eenganyo itong maglibot pa sa paligid. Samahan pa ng malamig na simoy ng hangin. Ito na ata ang pinakaperpektong araw para magliwaliw.

Kung hindi lang nasira ni Trevor ang bungad ng araw ko.

"Going home," tipid na sagot ko rito habang ang paningin ay nasa maaliwalas na langit.

"Oh. Where's Trevor?" tanong naman nito na halatang nagtataka. Lumingon-lingon pa ito na para bang lalabas ito anumang oras sa tabi namin.

Hindi ko sinagot ang tanong nito. Nanatili lang akong nakatingin sa langit. Ninamnam ko ang simoy ng hangin at itinatak ko sa isip ko ang kagandahan ng paligid.

Inayos ko ang suot kong jacket at dinala ang aking mga tuhod sa aking dibdib na niyapos ko rin agad.

Hindi ko akalain na ang out of town namin ni Trevor ay magkakaganito. Well, sino ba ang nakakaalam ng mangyayari sa hinaharap, 'di ba?

"Anou.." Napatingin ako kay Henri na kasalukuyang mukhang nag-aalinlangan kung itutuloy ba nito ang sasabihin o hindi. Nanatili naman akong tahimik para bigyan ito ng oras magsalita at para malaman nito na nakikinig ako. "I-if you want, I can give you a ride..."

Napangiti naman ako sa tinuran nito at lihim na nagpasalamat na nasa tabi ko ito para samahan ako sa pag-isa ko. "Sure, Henri. That would be great!"

"Awesome!" masayang reaksyon naman ni Henri bago tumayo sa kinauupuan nito at nagpagpag ng kanyang puwetan. Nakangiting inilahad nito ang kanang kamay sa harap ko. "Let's go?"

Nakangiti ko namang tinanggap ang kamay nito. Tinulungan ako nitong tumayo. Mabilis ko rin namang binitawan ang kamay nito para magpagpag ng puwetan ko.

"Let's go!" masaya kong pag-aaya rito.

Nakangiti naman itong tumango sa akin. Akmang kukunin ko sana ang bag ko sa lapag nang unahan ako ni Henri. Nagtataka akong napatingin dito pero kinindatan lang ako nito. Nangingiti na lamang na inikutan ko ito ng mga mata.

Natatawa naman itong nagsimulang maglakad pabalik sa inn kung saan kami tumuloy. Bitbit nito ang bag ko sa kaliwang kamay nito at ang kanang kamay naman nito ay nasa batok nito. Naiiling na lamang akong sumunod dito.

"I forgot to ask you," panimula ni Henri na ikinatingin ko rito. Diretso naman ang tingin nito sa daan. "How old are you?"

Natatawa ko namang sinagot ito. "I thought you'll ask something serious. Anyway, I am seventeen years of age. You?"

"Nineteen," mabilis nitong sagot. "We're with each other yesterday, yet I don't know your full name."

Mahina akong natawa sa tinuran nito. Sa tono kasi ng pananalita nito ay parang big deal ang full name.

"Well, that's Arjhay Hyun."

"Henri Blanchet."

Nagtataka akong tumingin dito. Napatingin din naman ito sa akin bago mahinang tumawa. Sinagot ako nito ng simpleng, "My full name, I mean."

Tumango na lamang ako habang unti-unting napapangiti. Nagulat naman ako ng dumikit bigla ang kanang braso nito sa kaliwang braso ko. Hindi ko na lamang pinansin ang pagtatanggal nito ng espasyo sa pagitan namin.

Biglang humangin ng mahina. Ipinikit ko aking mga mata para namnamin ang marahang pagdampi nito mukha ko.

Nagulat ako nang bigla kong maramdaman na hinawakan ni Henri ang kaliwang kamay. Nanlalaki ang mga matang napatingin ako rito bago magbaba ng tingin sa magkahawak naming kamay. Hindi ko alam pero biglang nag-init ang mga pisngi ko.

Pagbalik ko ng tingin sa harapan ko ay nakita kong malapit na kami sa inn. Pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang walang emosyong si Trevor habang nakatingin sa amin. Bigla akong nakaramdam ng kaba.

"Saan ka galing?" malamig na tanong niya sa akin nang makalapit na kami ni Henri sa kanya. Nagbaba ang tingin niya sa kamay namin ni Henri. He scowled before looking at me. "Kanina pa kita hinahanap para makauwi na tayo."

Kahit na gano'n ang naging reaksyon ni Trevor, hindi ko tinanggal ang kamay ni Henri sa kamay ko. Nanghihina kasi ako sa harap ni Trevor at kailangan kong kumapit kay Henri para makakuha ng lakas. Nahigpit ang hawak ko sa kamay ni Henri na alam kong naramdaman nito dahil humigpit din ang hawak nito sa kamay ko. Hindi ko maiwasang isipin na nagseselos si Trevor kay Henri pero alam kong imposible iyon.

Sobra.

"Uh.. Trevor.." nag-aalinlangan kong panimula. Napakagat ako sa aking mga labi. "T-Tinanggap ko kasi ang alok ni Henri na ihatid ako e."

Umasim naman ang mukha niya sa sinabi ko bago kami talikuran. "E di sa kanya ka na sumabay." Dumiretso na siya sa kotse niya.

"What just happened?" nakakunot-noong tanong Henri habang nakatingin sa papalayong pigura ni Trevor. Mayamaya lang din ay tumingin ito sa akin.

Hindi ko sinagot ang tanong nito at nanatiling nakatingin sa papalayong si Trevor. Naiinis ako.

Mali. Kulang ang salitang 'inis' para sa nararamdaman ko. Galit ako. Oo, galit ako sa sarili ko dahil ang dapat na masaya naming gala ay nauwi sa ganito. Hindi ko naman masisisi si Henri sa mga nangyari dahil may parte rin ako rito.

Pero ang isa ko pang nararamdaman ay pagkalito. Nalilito ako kung bakit gano'n ang reaksyon ni Trevor. Gusto kong isipin na may nararamdaman din siya sa akin pero hangga't maaari ay pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong umasa.

Nakita ko siyang sumakay ng kotse niya at pinaandar ito paalis ng walang lingon-lingon sa akin.

"Naguguluhan ako, Trevor. Ano bang nangyayari?" ang naibulong ko na lang sa hangin.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon