Chapter Nineteen

2.2K 91 3
                                    

KINABUKASAN ay sinugod ako ng mga kaibigan ko. Bigla na lang daw kasi akong nawala at ilang oras din daw nila akong hinanap sa amusement park. Napagod daw sila para lang malaman na nakauwi na pala ako.

Tinawanan ko na lang ang mga ito at nagdahilan na bigla kasing sumama ang timpla ng tiyan ko. Mabilis naman silang naniwala sa sinabi ko dahil nakakahiya mang aminin ay madalas talaga akong tawagin ng trono, walang pinipiling oras at lugar.

Mabilis din namang na-divert ang usapan nang kinikilig na tinanong ni Sabrina si Mei tungkol sa lalaking nakilala nito sa amusement park.

"She met this guy when they sat beside each other!" pagkukuwento ni Sabrina sa amin habang namumula naman si Mei. "And soon enough, Mei's drooling over the poor guy."

"The heck?!" gulat na sambit ni Mei. "I didn't drool over him!"

"I don't know but..." nag-iisip na sabat ni Haru habang nakatingin sa kisame at ang kamay ay nasa baba. "I could imagine Mei drooling over some guy. I mean, she was drooling over me when we first met!" He then gave Mei an apologetic smile. "Sorry, Mei, but I already have Taku."

"Oh, please!" overreact ni Sabrina sa sinabing kahanginan ni Haru habang nagtatakip ng mga tainga. "Spare me from your ego and your incest relationship with Taku."

Isa itong issue na ito sa kinagulantang ng brain cells ko ng sobra noong unang sama ko sa kanila. Ipinakilala sila akin ni Sabrina bilang magkapatid, and yet, they are acting like they were a couple. It turned out they are actually couples. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko hanggang sa ipaliwanag na sa akin ni Taku ang sitwasyon.
They are in love with each other even before Haru's family adopted Taku. Kumplikado na ang lahat sa kanila umpisa palang dahil nga pareho silang lalaki pero mas naging kumplikado pa ito nang maging legally brothers na sila. Kaya ang naging ending ay tago ang relasyon nila.

Noong una, ilang ako sa relasyong meron sila hanggang sa dumating iyong oras na nasanay na lang ako. Sino ba naman ako para husgahan sila?

"We are not in an incest relationship!" buwelta naman ni Haru kay Sabrina. "We're not even blood related."

At iyon naman ang laging pinaglalaban nilang dalawa. Na hindi sila incest dahil hindi naman talaga sila magkapatid.
Pero sa totoo lang, para sa akin ay parang incest na rin iyon dahil parang magkapatid na naman talaga sila. Ang dating kasi sa akin ay parang pinatulan ko si Horen, which is hindi ko maaatim na gawin kahit magkaubusan na ng tao sa mundo.

Niyakap na lang ni Taku si Haru para naman kumalma ito. Napailing na lang ako sa kanila dahil kahit papaano ay nasasanay na ako sa mga ito. Sa araw-araw ko ba namang nakakasama ang mga ito, sino bang hindi masasanay?

Nauwi ang kanilang asaran sa pag-aaya na kumain na lang ice cream. Mabilis kaming nagtungo sa isang ice cream parlor at doon nagpakasasa sa mga matatamis na sorbetes.

"Arjhay!"

Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko at nakita kong si Yuya pala ito. Kasalukuyan itong papalapit sa pwesto namin. Ang mga kaibigan ko naman ay nakatingin sa akin ng may pagtataka sa mukha.

"You know that guy, Arujei-san?" mahinang tanong ni Mei.

"Yeah," sagot ko rito. "He's a friend of mine."

"You are friends with Yuya?!" gulat na tanong ni Taku sa akin.
Tumango naman ako rito.

Napansin kong nanlalaki ang mga matang nakatingin ang mga ito sa akin at para bang hindi makapaniwala sa rebelasyong sinabi ko. Biglang lumapit sa akin si Taku at umabrisiyete sa akin.

Crown 2: Fall Into MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon