30.

150 7 4
                                    

Third Person's

"One coffee jelly, venti."

"Is that all Ma'am?"

"Yeah."

Pagkatapos um-order ay pupunta na sana si Lily sa napiling table nang biglang mag-ring ang phone niya sa kanyang bulsa kaya kinapa niya ito.

Tiningnan niya ang caller ID at nakitang unregistered number ito. Napatitig siya ng ilang segundo sa numerong iyon at agad na bumilis ang tibok ng puso niya.

Hindi ito ang number niya.

Kabisadong-kabisado niya ang number ng lalaking 'yon, kaya naman siguradong-sigurado siyang hindi iyon ang nagmamay-ari ng numerong ito.

Pero shunga lang, Lily? Pwede namang nagpalit din ng number 'yong tao.

Napailing siya at ibinaba ang tawag saka ibinalik ito sa bulsa niya. Hindi pa man siya nakakaisang hakbang ay muling nag-ring ang phone niya kaya napapikit na siya at huminga nang malalim.

Baka importante 'to.

Sa pagkakataong 'to ay wala na siyang paligoy-ligoy pa sa pagsagot ng tawag.

"Hello?"

"Lily."

Sa pagkakarinig ng boses na 'yon ay nagmistula nang tambol ang dibdib ni Lily.

"Lily?"

Napalunok siya ng laway at tumingin-tingin sa paligid.

Pinipilit niyang maging kalmado pero taliwas ang ginagawa ng kanyang puso kaya pumikit na lamang siya at huminga ulit nang malalim bago sumagot. "S-sino 'to?"

Nagka-amnesia ka agad teh?

"Hindi mo na ba ako naaalala?"

"H-ha? Sino ba 'to?"

Mabuti na lang at wala pang tao sa loob ng coffee shop kaya walang mag-iisip na nababaliw na si Lily.

"Sigurado ka ba talaga?"

"O-oo. Sino ba k-kasi 'to?"

"Nakakatampo ka naman at hindi mo na maalala ang future boyfriend mo."

Napadilat si Lily nang wala sa oras at muling inikot ang tingin niya sa paligid. Humarap siya sa counter at napakagat sa kanyang mga kuko. Nagpapanic siya, hindi niya alam ang magiging palusot niya.

Bakit pa kasi sinagot ko 'to?!

"F-future b-boyfriend? Wrong number ka ata k-koya! Hahaha!"

"Hindi ako wrong number. . . Ako talaga ang magiging future boyfriend mo."

Mas dumoble ang kabog ng dibdib ni Lily. Para kasing may mali. . . Para kasing sobrang lapit lang ng kausap niya sa phone.

"Here's your coffee jelly Ma'am!" Nilapag ng staff ang frappé ni Lily sa kanyang harapan kaya aligagang kinalkal ng dalaga ang kanyang bag para kunin ang wallet niya pero masyado siyang nagmamadali kaya nahulog lahat ng gamit niya sa lapag.

"Shet wrong timing naman," pagrereklamo niya at napabusangot.

Akmang kukunin na niya ang kanyang mga gamit nang bigla siyang mapatigil dahil, "Tulungan na kita?"

Hey, Manu!Where stories live. Discover now