28.

84 6 0
                                    

". . ."

"Lily bakit mo ba binababa lagi mga tawag ko? Lily I'm worried. . ."

"Tangina ka. Tangina mo. Times quadrillion para dama mo tangina mo talaga."

"Ba't mo ako minumura?"

"Saka tangina ko rin pala."

"Lily ano bang nangyari?"

"You! You happened!"

"What? Ano bang ginaw—"

"Palagi mo na lang akong sinasaktan!"

"H-ha?"

"'Wag ka munang magsalita!"

". . ."

"Nakakainis! Paulit-ulit kong pinapaalala sa sarili ko sa araw-araw na 'wag nang umasa sa'yo, kasi wala naman talaga akong pag-asa! Pero umasa pa rin ako kasi sabi mo wala na kayo ng syota mo! Pero sinabi mong nagkabalikan na kayo kaya nasaktan ako! Tapos tatawag ka ulit at sasabihin mong joke lang 'yon?! Tangina hindi magandang joke! Hindi ko na alam kung ano ba talagang paniniwalaan ko e!"

"L-lily. . ."

"Bwisit! Dapat hindi ko na 'to sinabi sa'yo kasi magiging awkward! Dapat tinago ko na lang sa sarili ko kasi ganun naman palagi e! Laging ako na lang 'yong nagtitiis!"

". . ."

"T-tapos nakakahiya. . . Ako na naman ang nag-confess. Nyetaaaaahhh!"

"Sorry kung nasaktan kita."

"Ulul. Sorry nang sorry tapos uulitin din naman. No thanks, keep your sorry na lang. Saka kakalimutan ko na rin namang sinaktan mo ako, kaya sana kalimutan mo na rin 'to. At para tuluyan na nating makalimutan ang lahat, magpapalit na ako ng number."

"'Wag! Please Lily, 'wag!"

"Tse! 'Wag mo akong pigilan dahil ito na lang ang alam kong makakapagpabawas sa mga katangahan ko! Magsisimula ako ng bago. Ang panget na ng mga memories sa numerong 'to."

"Pero L-lily. . ."

"Naalala mo 'yong nagalit ka sa'kin dati kasi 'di kita nasipot sa meet up natin kuno? 'Di ba sabi ko hindi na kita tatawagan at nagpasalamat pa ako sa'yo?"

". . ."

"Tototohanin ko na talaga, Manu, haha. Salamat sa lahat. Salamat sa'yo kasi nagsilbi kang warning na hindi na dapat ako magpakatanga sa susunod. Hindi na kita tatawagan kasi babaliin, dudurugin, at susunugin ko na 'tong sim card ko."

"Don't. Please. . ."

"'Di na yan uubra sa'kin manigas ka. Bye na."

". . ."

"Ge."

Call ended.

Hey, Manu!Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora