23.

101 6 0
                                    

"Agh. . . Ang aga-aga pa, ano na naman ba?"

"Lily?"

"Oh, Manu. . ."

"A-ang sakit ng ulo ko,"

"Ano, uminom ka na muna ng kape."

"T-tinawagan ba kita kagabi? A-anong nangyari?"

"Ay ganun? Nagka-retrograde amnesia ka?"

"Hindi, kasi hanggang ngayon naaalala ko pa rin kung paano tinapos ni Pinky ang relasyon namin."

". . ."

"So tinawagan nga kita kagabi?"

"Oo, tapos umiyak ka sa'kin. At sinabi mong, sana ako na lang ang naging girlfriend mo kasi hindi kita iiwan at sasaktan."

"The fuck? Sinabi ko 'yon?"

"Siyempre. . ."

"What?"

". . . Hindi. Pero grabe naman 'yong reaksiyon mo! Parang imposible talagang mangyari 'yon ah. "

"'Di ka bagay sa'kin, kasi sobrang bait mo."

"Arouch. Hindi ko alam kung masasaktan o matutuwa ba ako eh."

"I'm sorry, naabala pa kita. Siguro, uhm, hindi muna tayo magkakausap ngayong linggo? O sa mga susunod pang linggo, o baka buwan."

"H-ha? Ba't naman?"

"Aayusin ko muna sarili ko."

"Oohh. . ."

"Yeah."

"Pwede magtanong?"

"Ano 'yon?"

"Si Pinky, sila na ba ng nyetang pinsan ko?"

"Hindi ko alam. At ayoko nang alamin."

"Ahh."

"Hmm."

"Manu, kung pinsan ko ang dahilan, sorry ha? Sobrang sakit kasi nun. Pero tandaan mo, hindi ako kasali sa kagaguhan ni Seb ha? Magkadugo kami pero hindi kami parehas. . ."

"Alam ko naman 'yon, ibang-iba ka sa kanya."

"Naman. Sa ganda palang eh, haha. Saka, ano, mamimiss pala kita kung hindi man tayo makakapag-usap ng ilang buwan."

". . ."

"Langya, daldal ko. Haha. Sige—ano, simulan mo nang ayusin yang sarili mo. Sigurado akong gulo-gulo diyan sa bahay mo ngayon dahil nagbasag ka pa ng mga bote. Drama ampota—de charot lang! Haha!"

"Edi ako na madrama."

"Ayos lang na magpakaemo ka ngayon. S-sige na bye na! Ingat ka ha! 'Wag ka nang magbabasag ng mga bote ulit!"

Call ended.

"Mamimiss din kita."

Hey, Manu!Where stories live. Discover now