05.

183 12 30
                                    

"Hel—oh my gosh. . ."

"Ba't parang gulat na gulat ka?"

"Because you're the first one to call! Oh my jisoos what's the date today?!"

"May five?"

"Noted! May five, ang unang beses na si Manu ang unang pumindot ng call button!"

"OA mo."

"Dapat nagsabi ka eh! Di man lang ako nakapag-toothbrush."

"Gaga baka maamoy ko hininga mo."

"Ba't kasi napakaaga mong tumawag?"

"Um. . . Nakakarinig ako ng tunog ng kutsara, magkakape ka palang?"

"Yep. Your call woke me up."

"Sorry."

"Okay lang 'yon bibeh! Ikaw pa, hihi."

"Magbreakfast ka muna, mamaya na lang ulit—"

"Hindi, ayos lang! Kausapin mo lang ako! Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko ngayon."

"O-okay. . . Lily?"

"Parang ang ganda ng pangalan ko 'pag ikaw 'yong tumawag. Hihi. Ano 'yon Manu?"

"May kasalanan ako sa'yo,"

"What? Hindi mo kasalanan kung minahal mo ako kaagad Manu! Kasi kung kasalanan 'yon baka matagal na akong nabubulok sa kulungan!"

"Patapusin mo muna ako pwede?"

"Ay. Ok."

"I'm Manu, but my surname wasn't Rios."

"Kung ganon, sino ka?"

"I'm Manu Agustin."

"Edi all this time wrong number lang pala ang tinatawagan ko?"

"No. Idea lang ng kaibigan kong isulat ang Manu Rios sa papel na napulot mo para may tumawag kasi gwapo raw 'yon."

"So mukha kang pwet?"

"Tangina. Hindi 'no."

"Gwapo ka ba?"

"Maganda."

"Holy shet!"

"Loko lang. Marami kasing nag-aakalang babae ako kasi mahaba ang buhok ko, pero straight ako."

"Holy jisoos. Akala ko baklush ka bibeh."

"Hindi. . . Pasensiya na rin pala sa pagsusungit ko sa'yo. May problema lang kasi ako e."

"Ayos lang yan! Basta kung ano mang problema mo nandito lang si pretty!"

"Promise?"

"Ay oh. Promise. Idikit mo ang pinky finger mo sa phone mo para naka-pinky promise na tayo."

"Seriously?"

"Kung ayaw mo edi 'wag."

"I'm doing it right now."

"HAHAHA! Uto-uto ka pala bibeh."

"Ha ha ha. Bwisit. Ibababa ko na 'to."

"Teka lang!"

"Oh?"

"Magpakilala muna tayo sa isa't-isa nang maayos bago mo 'to ibaba."

"I'm Manu Agustin."

"I'm Lily Lozada aka pretty! Magbreakfast ka na rin and good morning!"

Call ended.

"Loka-loka. Haha."

Hey, Manu!Where stories live. Discover now