Nagtaka  ako sa biglang pagbabago ng situation.

Aba't a-agawan pa ata ako ng eksena nitong Kutong lupa na ito.
Kapal ng mukha!
Ako yung nag ku-concert eh!
Sino ba sya para agawin yung moment ko?
Epal lang? Nakakainis talaga!

🎶🎵"But I'm not crazy, I'm just a little unwell"🎶🎵
Panimula nya sa lyrics. Bonga yung hiyaw ng mga babae. Ako naman napataas ng kilay at nakapamewang na.

🎶🎵"I know right now you can't tell"🎶🎵pagpapatuloy nya habang hawak ng dalawang kamay nya yung microphone. Tapos kumaway kaway sa mga tao.

"But stay awhile and maybe then you'll see"🎶🎵

🎵🎶"A different side of me..."🎵🎶
Nai-tsepwera  yung boses ko sa ginawa nya.
Infairness maganda din yung boses nitong kumag na ito. Pero di parin ako umalis sa pwesto ko. Kahit na nahihilo at mukang naduduwal na ako, gusto ko parin kumanta at tumayo sa harapan ng mga tao. Kaya di ako papa-pigil,di ako aalis sa kinatatayuan ko.

Nakatitig  na ito sa akin habang nakakaloko na naman yung ngiti nya. Parang mount everest naman yung taas nitong kilay ko kahit na yung mga mata ko eh pumipikit-pikit na.

Nakaka-baliw lang  dahil  di nya pinapansin yung pagkainis at pagkairita ko. Wala yata itong pakiramdam. Bumaling ulit yung tingin nya sa mga taong naghihiyawan at kumakaway-kaway pa. At sya naman feeling artista lang or bokalista kagaya ni Rico Blanco. Feelingero!

🎶🎵"I'm not crazy, I'm just a little impaired🎵🎶

🎶🎵"I know right now you don't care"🎶🎵

🎵🎶"But soon enough you're gonna think of me"🎵🎶

🎵🎶"And how I used to be"🎵🎶

🎵🎶"I've been talking in my sleep"🎵🎶

🎵🎶"Pretty soon they'll come to get me"🎵🎶

🎶"Yeah, they're taking me "🎵🎶
Lumapit  sya sa akin at hinawakan  yung pisngi ko while grinning crazily. Alam mo yung mga loveteam na kumakanta sa ASAP? Ganun yung eksena namin ngayon.
Kakabwusit!
Tinabig ko yung kamay nya.
Nakuh! Ayaw ko lang ng eskandalo kaya na natili parin ako sa kinatatayuan ko.

"Mukhang hinahamon ako nito ah" Sabi ko sa isip ko.

"Pwes!Pagbibigyan kita ngayon kupal ka". Dugtong ko pa.
Nakatitig parin ito sa akin.

"Wooooh!!!! Go Marie and Kean!!! Ma-eskandalong sigaw nung mga minion este nung mga ka officemate kong sina Elaine, Allen, Nikko at Gian. Pati na yung mga bossing napatayo  din sa  mala concert na moment namin ni Mr. D.

🎵🎶"But I'm not crazy, I'm just a little unwell "🎵🎶
Ako naman yung kumanta sa bahagi na iyon.
At oo this time ako naman yung umagaw sa microphone.
Eh Aba! chorus iyon. At sa mga kantang kinakanta ko eh chorus yung paborito kung part, mas nai-express ko kasi yung feeling ko sa pagkanta kaya dapat sa akin itong part na ito.

"Nice voice" bulong  pa nya sa akin. Inirapan ko naman sya. Tapos ngiti kunwari sa mga audience.

🎶🎵I know right now you can't tell🎵🎶

🎵🎶But stay awhile and maybe then you'll see🎵🎶

🎶🎵A different side of me🎵🎶
Ilang saglit pa inagaw ulit nya sa akin yung mic. Para kaming mga bata ngayon na naga-agawan ng laruan.
Mukhang tanga lang!
Pero yung audience namin walang paki-alam, naghihiyawan parin at nagpapalak-pakan.

Twenty Fifth and ForeverWhere stories live. Discover now