Chapter Thirty Three

26 2 0
                                    

T H E U N T O L D  L O V E S T O R Y


Prince's POV


Yes, you heard it all right. Kami na nga ni Jackie. Masyado bang mabilis? Well, for me, ang mga bagay na kapag alam mong tama sa isip at sa puso mo, bakit kailangan mo pang patagalin?

Nung unang beses na makita't makilala ko siya, I already knew. Hindi na ako tumigil gumawa ng paraan to see her every time. Dinalasan ko nun yung pagsama ko kay Aldrin just to know Jackie better. Hanggang sa dumating yung araw na ituring na nila akong bagong member ng tropa nila.

Pero hindi natapos dun ang lahat. Ginawa ko lahat ng bagay na sa tingin ko mas makakapagpasaya kay Jackie. Hanggang sa naging close pa kami ng lalo. Dumating na nga sa point na nagtatampu-tampuhan na sina Vian kay Jackie dahil palagi na lang daw ako yung kasama ni Jackie eh..


^Flashback


Pagdating ko sa tamabayan, nakita ko si Vian at Enzo na naghihintay dun.


"Oh bakit kayo lang? Asan sina Jackie?" tanong ko sa kanila..

Then Vian stared at me after asking them.


"Si Jackie talaga unang hahanapin, hindi si Aldrin?" tanong sa akin ni Vian.


"Eh bakit ko naman hahanapin si Aldrin? Wala na namang training, champion kaya kami para ipaalala ko lang sayo!" sabi ko pa kay Vian..


"Eh bakit mo naman hahanapin si Jackie? Balak mo rin bang maging champion sa kanya?" tanong naman ni Enzo sa akin, sabay tingin ng nakakaloko..


Then nag-fake smile na lang ako sa kanilang dalawa. "Ewan ko sa inyo! Asan na nga ba sila? Oh, ayan na ha!" paglilinaw ko pa sa kanila..


Maya-maya, tumayo si Vian sa kinauupuan niya at inikutan niya ako.. "Prince, umamin ka nga! May feelings ka ba kay Jackie?" sabay tanong niya sa akin..


"Feelings? Baliw ba kayo? Malamang wala. Magkakaibigan tayo diba?" sagot ko naman sa kanya..


"Sus! Prince, tatlo na lang tayo dito, maglolokohan pa ba tayo?" sabat naman ni Enzo sa usapan namin ni Vian..


"WAla nga! Kagaya niyo, masaya lang din ako kapag nakakasama ko si JAckie, yun lang!" sabi ko pa ulit sa kanila..


"Pero hindi mo kami hinanap kagaya ng paghahanap mo na lang kay Jackie, kani-kanina lang!" sabi pa ni Vian sa akin.


"Eh bakit ko naman kayo hahanapin?"


"Kasi kaibigan mo rin kmi. Unless kung more than friends na nga ang tingin mo kay Jackie!" sabi pa ni Vian.

"Oo na! Oo na! Oo na! May feelings na ako kay Jackie! Masaya na kayo?" pag-amin ko na sa kanila. Ang kukulit kasi eh.



^End of Flashback.


DATI-RATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon