Chapter Thirty

25 1 0
                                    

A N O T H E R T I C K E T

Red's POV

Grabe, ang sakit ng ulo ko. Naparami ata kami ng inom kagabi haha.

Pero in all fairness, enjoy naman talaga kahit ang hirap tanggapin na kulang na kami bukas pagpasok sa school.

Kanina, nagmessage na rin si Tasha sa amin bago siya sumakay ng plane. As usual, nagpasalamat sa lahat.

Si Janver, kakamessage lang din. Magpupunta muna kasi daw sila sa Bohol at Cebu bago umalis ng bansa.

Pagkababa ko, diretso agad ako sa fridge. Maya-maya napansin kong walang laman yung fridge.

"Ay, siomai! Nakalimutan kong mamili muna kahapon! Red naman kasi bakit napakaatat mo sa send-off party!" sabi ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa clock, medyo maaga pa naman pala. Nagtoothbrush lang ako at naghalf bath. Maliligo na lang ulit ako mamaya. Mamimili lang naman ako sa supermarket eh.

Paalis ako ng bahay nang may naalala ako. Magpasama kaya ako kay Aldrin? Ay, wag na lang pala.

Then I decided na umalis na nga. Pagkadating ko sa supermarket, kuha agad ako ng big cart. Marami-raming pagkain toh, since I still have one week here in the Philippines, eenjoyin ko muna every day ko dito bago ako lumipad. Hahaha.

One week, KUNG hindi pa darating yung plane ticket ko. Sana nga hindi pa muna dumating eh. Para naman maenjoy ko talaga yung mga bibilhin kong pagkain.

Teka, saan nga ba ako naccrave? Hmm. I want Pasta, gusto ko rin ng home made halo-halo, mais con yelo at saging con yelo. Hahahaha. Oh diba, pinoy style talaga!

Naisip ko rin na bumili ng sandamakmak na chocolates kahit alam kong marami rin nito sa ibang bansa.

Okay, iced tea saka juice!!! Teka, wala na rin pala akong milk. So, ayun, takbo na agad sa counter para hindi maipit sa mahabang pila..

Pero maya-maya, nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin. Pagkalingon ko, tinitigan ko muna siya ng maigi.

"Huy Red!" sabi pa nung lalakeng nasa harap ko ngayon.

"Hmmm?" pasimple kong gesture na tanong sa kanya.

"Ah. Sorry. I'm Prince, 1st year Information Technology sa school." pagpapakilala naman siya sa sarili niya..

"Ah. Okay Prince. Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya.

"Ah. May bibilhin lang. Ang dami mo namang pinamili. By the way, sali ka sa volleyball team namin for the upcoming Sportsfest sa school. I heard naglalaro ka rin." sabi naman niya sa akin.

"Ah. Hmm. Binili ko na lahat ng gusto kong kainin for the whole week, next week kasi baka flight ko na papunta ng ibang bansa." sabi ko pa sa kanya..

"Next week? You mean, hindi ka sasali sa sportsfest? Hmm. Ano namang gagawin mo dun?" tanong niya pa sa akin.

"Ay, oo eh. Sorry. Magbabakasyon lang, nandun kasi Dad ko. Naisip ko kasi na ischedule yung vacation ko sa sportsfest week. Pero, si Aldrin, invite him. Naglalaro din naman siya." sabi ko pa sa kanya..

"Ah. Ganun ba? Oh sige, mauna na ako. I'll see you around!" sabi pa ni Prince sa akin.

"Nice meeting you Prince! Yeah, sige. Salamat. Ingat! I also have to go, bye." sabi ko naman sa kanya..

Sabay alis ko na ng supermarket.

Tawag agad ako ng taxi dahil sa sobrang dami ng pinamili ki ngayon. Hays. Nakakapagod. Pagkauwi ko nito, luto agad for lunch.

DATI-RATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon