Chapter Twenty Two

21 2 0
                                    

F R I E N D Z O N E D


Aldrin's POV


"Oh, anong ginagawa mo dito? Ang aga mo yata?"  tanong sa akin ni Red nang buksan niya yung pintuan nila. Yeah, maaga pa kasi para sa madalas na oras ng punta ko sa bahay nila Red.


"Huy? May problema ba? Bakit parang hindi ka mapakali?" tanong pa ulit ni Red.


Umupo ako sa may sofa nila sa sala, I turned on the TV but turned it off right away. Ang weird? Yeah, sorry.


"Hindi kasi ako mapakali bro eh." sabi ko na lang kay Red..

"Ay, alam ko! Kasasabi ko lang din diba? Bakit nga? Easy! Take a deep breath! Ano ba nangyari? Tubig? Gusto mo ng tubig?"  medyo natatarantang tanong na sa akin ni Red..


Pero pinigilan ko siya. 

"No, bro. Kinakabahan lang ako sa plano ko today."  sabi ko pa sa kanya. This time medyo nakahinga na ng kaunti si Red.


"Bakit ba? Anong plano yan?"  tanong pa sa akin ni Red.

"I'm planning to tell the truth. Aaminin ko na kay Phoebe."  sabi ko kay Red.


Naghintay ako sa reaction ni Red pero tumingin lang siya sa akin ng matagal. Tinulak ko siya para matauhan siya.


"Huy! Tama ba gagawin ko?"  tanong ko pa sa kanya..


Then he offer his hand. Shake hands kuno. Then nung inabot ko yung kamay ko, dun na siya nagsalita at medyo napangiti..

He used his other hand to hold my shoulder.


"Always remember, in Love there's no wrong things, every step and every decision that you have to make is always for the better. If you think that this is the right time to tell her your true feelings. Then do it. I got your back bro!"  sabi sa akin ni Red.


Ngayon, ako naman ang medyo nakahinga na ng maluwag. Iba talaga kapag nagkaroon ka ng ganitong klaseng kaibigan. Yun bang makulit pero may sense kausap. Thank G for having Red!


"Eh paano kung.."  magsasalita pa sana ako ng unahan na ako ni Red.


"Eh paano kung hindi niya matanggap? E paano kung hindi ka niya gusto? So what? At least, umamin ka. At least naging totoo ka sa sarili mo. Bro, wag mong katakutan yung mga mangyayari na wala ka rin naman kasiguraduhan kung mangyayari nga. Kaya mo yan."  sabi ni Red sa akin..


Napangiti ako sa sinabi ni Red.

 "Thank you bro! Maaasahan ka talaga! Sige, aalis na ako."  paalam ko sa kanya.. Then tumayo na ako at lumabas ng bahay nila Red..


Then Red waved and shouted, "Good luck!"

Sakto namang may cab na dumaan sa may kanto nila Red at pinara ko..

DATI-RATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon