Chapter Eight

53 4 2
                                    

Vian's POV

FINALLY! Makakasama na ako sa tour ng program namin. Last semester kasi hindi ako nakasama since nagkasabay yung tour namin and family reunion namin..

Nainggit talaga ako nun kahit dito lang sa Metro Manila yung tour nila.. Now, makakasama na ako and good news pa, kumpleto kaming barkada..

Nandito kami kila Red ngayon. Red invited the barkada na sa kanila na lang matulog para sabay-sabay daw magpunta sa school.. Hindi niya raw kasi kayang pumunta sa school ng 5 A.M eh..

at buti na lang pinayagan kaming lahat. Most specially, ako. Hahaha. Kahit papaano, kahit college na ako, hinihigpitan pa rin naman ako ng parents ko..

Sabi nga ng parents ko, they want to meet my friends since palagi ko silang kinukwento lalo na yung pag-aambagan namin para lang makasama si Jackie sa tour.

Yeap, nag-ambagan kami for Jackie. Ako, Tasha, Des, Aldrin, Janver at Red na nakaisip talaga ng paraan.. Natouch kasi kami sa kwento ni Tasha about Jackie eh..

"Anong gusto niyong ulam mamayang gabi?" Red asked. Tapos nagtinginan kaming lahat sa isa't isa..

"Kahit ano, basta masarap!" Sabi ni Aldrin.

"Ay wait, I want Jackie to choose kung anong uulamin natin mamayang gabi!" Sabi naman ni Tasha.

"Hala, bakit ako?" Tanong naman ni Jackie. Tapos isa-isa kaming lumapit kay Jackie na nasa sofa nila Red.

Tasha sat on the left side of Jackie, while Des sat on the right. Then niyakap siya nung dalawa. "Next time kapag may problema, andito lang kami para sayo, Jackie!" sabi pa ni Des sa kanya..

"Oo, lalo na kapag pera, nandyan ang Redjan natin!" Hirit naman ni Janver, nagtawanan naman lahat. "Loko kayo." Sabi naman ni Red..

"Pero thank you talaga ha! Hindi niyo alam kung gaano kalaki ang naitulong nun sa akin. Babawi talaga ako sa inyo!" Sabi pa ni Jackie. Hindi niya naman naiwasang maiyak...

"Wag mong intindihin yun! Basta ang mahalaga, makakasama ka sa tour!" Sabi pa ni Tasha.

"Yehey!" Sabay-sabay naming sigawan.. "at dahil dyan anong ulam natin mamayang gabi?" Singit naman ni Aldrin at nagtawanan na naman lahat..

"Hmm. Sige, gusto ko ng Paksiw na Bangus saka Tilapia!" Sagot naman ni Jackie. "Hindi kaya tayo magkabuntot at kaliskis niyan?" Tanong pa ni Des..

"Okay nga yun eh, lalanguyin na lang natin papunta sa Baguio at Ilocos! Hahahaha." Biro ko rin..

Pero walang natawa.. okay -______-

Red's POV

Habang nagpapalipas ng oras, Aldrin and I decided na umalis ng bahay to buy all of the ingredients na kakailanganin namin sa dinner namin..

DATI-RATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon