Chapter Nineteen

24 2 0
                                    

Red's POV


Naiwan si Aldrin dito sa bahay after the barkada have decided na umuwi na since its already late na rin naman. Well, si Aldrin, matigas bungo nito eh. HAHAHA. Joke lang! 


Pero, maniwala man kayo o sa hindi, may iba kaming mundo ni Aldrin tonight. Why? How? Well, ako nandito lang naman ako sa sala. Nanunuod ng tv habang siya ayun nasa dining table pero hindi kumakain. Kundi, 'nagtetext.' Take note, tumatawa pa mag-isa ha! HAHAH


Hindi ko na lang pinapansin. Busy rin naman ako sa panunuod ko ng tv hahaha. Maya-maya, nakaramdam ako ng gutom that's why I stood up and started to walk through the refrigerator on the kitchen.


Papunta na sana ako, when Aldrin suddenly laughed. Napatingin kami sa isa't isa. Pero umiwas agad si Aldrin at bumalik ng tingin sa phone niya.. Kaya ayun, nakahanap na rin ako ng tyempo..



Lumapit ako sa kanya. "Sino yan ha? Bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kanya. Triny kong silipin yung phone niya pero tumayo siya agad at lumayo sa akin..


"Wala." sagot niya lang sa akin sabay upo niya naman sa may sala.. Nag-catwalk ako papalapit sa kanya sabay kuha ko ng phone niya.. Habang siya parang tangang inaagaw yung phone niya sa akin..



Pero bago niya tuluyang makuha ulit yung phone niya. Nakita ko kaagad yung sender ng message. "Si Phoebe?! Si Phoebe yung katext mo?!" tanong ko sa kanya agad..


"Nakita mo na eh. Oo, si Phoebe lang naman katext ko, wag kang oa diyan." sagot niya naman sa akin..


"Eh bakit kailangang ilihim? Saka, siya LANG talaga ha? Eh kung makatawa ka, akala mo kilig na kilig eh. Ikaw ha!" puna ko pa sa kanya..


"Ano? Para kang ewan! Corny lang kasi yung knock knock niya kaya natawa lang ako." sabi pa ni Aldrin sa akin..


"Utot! Pag corny ang joke, hindi natatawa ang tao. Eh bakit natatawa ka? Sus! Pati ba naman ako bro paglilihiman mo?" tanong ko pa sa kanya..



"Alam mo manuod ka na lang ng tv! Epal nito." sabi pa ni Aldrin sabay balik ng upo sa may sala..


Maya-maya lumapit ulit ako sa kanya.. "Pero seryoso, iba yung ngiti mo. eh teka, paano na si Kira?" tanong ko pa sa kanya..


Biglang nagbago yung facial expression ni Aldrin when he heard his best friend's name.. Para bang nawala siya sa mood agad..


"Wala namang something sa amin." sagot niya sa akin.

"Oo, sa kanya wala. Pero bro, sayo, meron. Kaya ang tanong ko, wala na rin ba sayo?" tanong ko pa sa kanya..



"Ewan ko. Hindi ko sure eh, hindi pa naman kami nagkikita since umamin siya sa akin na sila na ulit. Meaning to say, hindi niya na ako kailangan kasi masaya na siya." sabi pa ni Aldrin sa akin..

DATI-RATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon