Chapter One.

140 7 4
                                    

Jackie's POV

"JACKIE!!!" Rinig kong sigaw ng dalawang tao sa labas ng bahay namin.

Grabe naman tong dalawang toh. Akala mo may sunog kung makasigaw. Kaya ayun, lumabas na agad ako ng bahay since may hiya pa rin naman ako sa kapitbahay..

"Ay, teh, anong balak mo sa buhay? Malalate na tayo." Sabi ni Des sa akin nang makita niya akong hindi pa ayos. Hahahahaha.

"Ay ka rin! Teh, hindi first day of school para magmabait ka." Biro ko kay Des. Excited ba naman kasi pumasok sa school.

"Jackie naman eh! First day of Second sem class, malamang may transferee niyan! Malay mo maraming pogi ang maisipang mag-shift ng Tourism!" Sabi pa ni Des sa akin..

"hay nako, des talaga. Bilisan mo na nga lang diyan, Jackie." Sabi pa ni Tasha.

Oh okay, ako nga pala si Jackielyn Senosa. Jackie na lang, gaya nga narinig niyo sa dalawa kong kaibigan na sina Desiree/Des Perez and Natasha/Tasha Yu, not V, not W, its Yu as in Y-U. hahaha charot!

"Ano ba kayo, wait lang. Bakit ba naman kasi hindi niyo kayang maniwala sa kasabihan na di bale ng late basta ang rason ay ang forever sa EDSA." Sabay tawa ko. Then I looked at them, ay hindi sila natawa, ay okay, ako lang natawa..

Hahahahaha! KEME LANG! "Teh, last mo na yan ha. Tara na kase!" Sabi pa ni Des. So ayun na nga, nagmadali na ako sa pag-aayos ko..

Dalawang toh talaga masyadong maagap. Hays. Hahaha.

Janver's POV

it's already 10 in the morning, at wala pa rin yung tatlong babae na yun. Hays. Mga babae nga naman talaga, ang bibilis kumilos.

kanina pa akong 9:30 dito sa school, ang sabi kasi, maagap daw yung professor namin ngayon pero wala rin pala..

Nandito ako sa tapat ng room namin kung saan ang first class namen today. It's Principles of Tourism 2, ang first class namen...

Halos nasa 30 tao na ata ang pabalik-balik sa harap ko pero wala pa rin sila Jackie, Des at Tasha. Well, they're my blockmates, regular students kasi kami kaya block siya.

Napatigil lang ako sa paglingat ko when I saw two new faces beside me. I think they're transferees. Parehong lalake.

Hindi na ako nag-alangan pang lapitan sila. "Transferees?" Tanong ko sa kanila. Then nagtinginan sila saken pareho..

"Yeap. Eto ba yung BST201A?" Tanong pa nung lalakeng maputi. May itsura, actually both of them may itsura. Pero etong sumagot sa akin ay maputi while yung isa, sakto lang..

"Ah. Oo, eto nga. Janver Marquez nga pala." sabay stretch ko ng kamay ko sa kanilang dalawa..

DATI-RATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon