Chapter Eighteen

25 2 0
                                    

Aldrin's POV



What the heck. Late ako sa school! Ano ba yan! Wala namang kwentang alarm clock toh oh. Ugh!! Di pa naman nagpapapasok ang professor namin ngayon kapag late kana!!


Kinuha ko kaagad phone ko, 52 missed calls lahat puro sa barkada! Siomai naman oh!


Tumayo agad ako at naligo ng 10 minutes! At transform ng parang Voltes 5 sa sobrang bilis!


Paglabas ko ng bahay, tumingin ako sa watch ko. 30 minutes na akong late at kapag nagjeep pa ako, 30 minutes pa ulit. Edi mas lalo akong nalate! Maya-maya napatingin ako sa gilid ng bahay namin, WOAH! Kuya hulog ka ng langit!!!!


Nakita ko kaagad yung bike ng kuya ko. Pero bago ko kunin at gamitin, tinext ko muna siya para alam niyang ako kumuha ng bike niya..


Sorry Kuya! I have to use your bike today! I'm d*mn 30 minutes late already! Bye, Good moning btw! :P


Then kinuha ko na yung bike niya at kumaripas agad para makaabot..



Red's POV


Asan na ba yung Aldrin na yun? Papasok ba yung mokong na yun o hindi? Kanina pa niya hindi sinasagot yung tawag ng barkada.


"Huy, nagreply na ba sa inyo?" tanong ko sa barkada. PEro sabi nila hindi pa rin daw. Maya-maya someone knocked on the door of our room..


"Oh. Ms. Phoebe Toreda, why are you late? Hindi ba sinabi ko sa inyo na hindi na ako nagpapapasok ng late. Look at the clock, you're already 30 minutes late!" sabi ng professor namin kay Phoebe when Phoebe trying to please our professor to enter the room..


Napatingin sa amin si Phoebe, wala na lang siyang nagawa kundi magkamot ng ulo at umalis sa harap ng pintuan ng room namin..


Mokong! Di na pinapasok si Phoebe! Wag ka na in pumasok. Wait mo na lang kami sa canteen.


text ko kay Aldrin..



Aldrin's POV


Pagkalock na pagkalock ko ng bike ni Kuya sa may parking area ng school, tumakbo agad ako papunta sa room namin. Pero, bago pa ako makarating nakita ko na si Phoebe na palayo sa room namin..


"Oh, walang klase?" tanong ko kay Phoebe.


"Meron shunga! Late ako! Wag mo ng balakin pang pumasok! Di ka na papapasukin!" sagot ni Phoebe sa akin..


"Oh, eh bakit parang pinagsukluban ka ng langit at lupa diyan?" biro at sabay tawa ko sa kanya. HAHAHA! Walang ibang nagawa sa akin si Phoebe kundi hampasin lang ako ng bag niya..

DATI-RATITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon