9

2.4K 96 1
                                    

Qane's POV

"MAHUSAY MS. CASTUA AT MR. XIUN" Malakas na sabi ni Ma'am pagkatapos magreport ni Dora at Brix. Maganda nga yung inireport nila na siyang tungkol naman kay Bonifacio. Halos lahat ng mga kaklase ko ay puro bayani o kaya naman ay historical places dito sa Pilipinas kaya ewan ko din sa utak nito ni unggoy kung bakit eto yung naisip niyang topic.

"Zuaro and Pascual" Nakapikit akong tumayo at kinakabahang tumingin sa unahan. Nauna na si Unggoy at ngayon ay inaayos na yung projector.

"Goodluck tol"

"Kaya mo yan pre"

"Susuportahan ka namin"

"Kung wala ka ng masabi tol, sabihin mo nalang natatae ka para makatakas ka HAHAHA" Binatukan ko si Brixton dahil kahit kailan walang kwenta mga pinagsasasabi niya.

Sumunod naman ako kay unggoy at nasa gilid lang ako. Lumabas naman na kaagad yung irereport namin sa whiteboard kaya binasa na niya yung title.

"Justice for Comfort Women in the Philippines" Pagkabasa niya ng title ay lahat tumingin at tila naging interesado. Miski ako ay hindi ko alam kung bakit ayan ang pinili niyang topic para sa report namin.

[Note: Anything that I will write down here is all based on google, while some is my own opinion]

"Ano pa bang mga bagay ang hindi nakukuha ng Pilipinas? Yaman? Bahay? Titulo? Lupa? Ilan lang yan sa mga bagay na pwede mo pang muling kunin mula sa pagkakakuha sayo. Ngunit ang puring nawala sayo ay hindi mo na kailan pa makukuha, ito ay tatatak nalang at tanging hinanakit ang maiiwan." Lahat ay nakikinig sakaniya. Ang galing niyang magsalita, nakakaagaw ng atensyon. Tumingin siya saakin kaya kaagad akong pumunta sa gitna.

" E-ehem, Taong 1942 hanggang 1945 ng s-sakupin tayo ng mga Hapones. Tinatayang sa loob ng taong iyon ay h-hindi naging maganda ang sinapit ng m-mga Filipino" Napapikit nalang ako dahil halata sa boses kong kinakabahan ako. Medyo nanginginig din ang kamay ko.

"Karamihan sa m-mga Filipina ay nagdaan sa p-paghihirap nung pilitin sila ng mga hapon sa isang 'sexual slavery'. Mapa-bata, may asawa, may anak ay walang p-pinipili. Tinatayang nasa.. nasa.." Pumikit ako upang alalahanin ang bilang nung kasunod na sasabihin ko pero hindi ko maalala. Hanggang sa madapo ang tingin ko kay unggoy na nakatingin saakin. Lumapit siya saakin bago hawakan yung kamay ko na nanginginig.

" H-hoy ano.. a-anong ginagawa--"

"Wag kang kabahan, sabi ko sayo wag mong sabihin kung ano yung kinabisa mo, ang sabihin mo eh kung ano yung naintindihan mo" Bulong niya saakin bago bitawan ang kamay ko pero hindi na umalis sa tabi ko. Tumingin ulit ako sa harapan bago naalala yung dapat sasabihin ko.

"Tinatayang nasa isang libong mga Filipina ang kinuha upang gawing 'sex slaves' upang magsilbing comfort women ng mga sundalong hapon"

Nagpatuloy ang report namin at inaamin kong humahanga ako sa pamamaraan ng pagrereport ni unggoy. Deretso ito at hindi siya patigil tigil hindi katulad ko na medyo nauutal pa rin.

Natapos ang report namin sa isang malakas na palakpakan at nakangiting Dracula. Ngumiti nalang ako sakanila bago umupo.

"Nays wan pare! Mukha kang matalino doon" Nawala yung ngiti ko sa sinabi ni Brixton. Bwiset talaga kahit kailan.

"Ikaw kailan ka kaya magmumukhang matalino?" Inis kong sabi bago padabog na umupo.

"TARAY NAMAN NG BESPREN KO, EDI LALO KANG YAYABANG NIYAN? HAHAHAHA" Rinig kong sabi ni Dora. Napalingon naman ako bago tumingin kay unggoy na nakatingin na din saakin.

She's Unknown (Currently Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon