7

3.3K 102 1
                                    

Qane's POV

"AKIN NA YAN TOL!" Sigaw ni Brixton kay Hansel habang kinukuha ulit yung chocolate na kinakain niya. Umiling ako ng maghabulan yung dalawa bago ako tumabi kay Christan.

"I understand you tol, parehas lang tayo ng nararamdaman. Talagang tayo lang ang matino sa tropahan" Umiiling iling pa ako habang sinasabi yan. Tumingin ako kay Christan bago tumango tango habang nakatingin siya saakin na hindi sumasangayon.

"I know tol, I know.. I understand you" Tinabig naman niya ang kamay ko kaya ngumuso ako.

"Tuleg mas malala ka pa sa dalawang yan" Sabi niya bago ikabit ulit yung earphones niya kaya ngumuso nalang ako. Wala talaga siyang kwentang kausap. Napatayo ako ng may nakita akong dumaan sa gilid namin. Miski sila Brixton at Hansel ay natigil habang si Christan? Wag niyo ng isipin yun.

"Tol.." Tawag saakin ni Brixton pero tumayo ako at pinagpagan ang pants ko.

"Sandali lang tol" Sabi ko bago tumakbo para sundan siya. Hindi ko na pinakinggan yung tawag saakin nila Hansel dahil dere-deretso lang ako.

"H-Helein!" Napatigil naman siya pagkatapos ko siya tawagin. Lumingon siya at tumingin saakin.

'wala na yung dating kislap sa mata niya'

"Qane ikaw pala" Ngumiti siya pero hindi ito umabot sa mga mata niya. Kaagad akong lumapit bago kumamot sa batok.

"A-ah ano, pwede ba tayong mag-usap?" Ngumiti ako sakaniya pero hindi niya ito sinuklian.

"Nag uusap na tayo Qane"

"Pwede ba nating pag-usapan yung a-ano.." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba, ayoko na kasi masaktan pa ulit eh.

"Yung ano?"

"Yung tayo?" Tumawa siya kaya nagtataka akong tumingin sakaniya.

"Wala ng tayo Qane" Diniinan niya yung salitang 'wala ng tayo' tila pinapaintindi saakin.

"Ganon nalang ba kadali sayo itapon lahat?" Ito na nga ba sinasabi ko, konti nalang iiyak nanaman ako. Umiinit na din yung sulok ng mga mata ko.

'bakla nga talaga ako hehe'

"Kailan mo ba maiintindihan Qane? I told you tapos na tayo" Sabi niya, nakaka-amaze lang kung pano niya yun sabihin ng deretso saakin. Wala na ba sakaniya lahat ng pinagsamahan namin?

"H-hindi na ba pwedeng a-ayusin?" Umaasa kong tanong.

"Mahirap ng ayusin yung isang bagay na nabasag na. Please Qane, intindihin mo naman" She said na parang nauubusan na ng pasensiya saakin. Napakagat ako ng labi bago umiwas ng tingin. Hindi ko kayang tignan yung mga mata niya habang sinasabi niya saakin yun ng parang wala lang. Masakit, sobrang sakit.

"Kung yun lang ang sasabihin mo, aalis na ako" Sabi niya at tatalikod na sana ng bigla ulit siyang humarap.

"Please Qane, promise me this will be the last time na uungkatin mo yan. Move on Qane, kasi naka move on na ako" Nung sinabi niya yung huling salita ay parang dinurog ulit ako. Hindi ko alam kung ilang munuto na akong nakatayo dito sa gitna ng field buhat nung umalis siya. Para akong napako sa kinatatayuan ko.

"Psh, talagang kailangan umulan para mas feel ko?" Kausap ko doon sa patak ng ulan kasi biglang itong bumuhos ng malakas. Aalis na sana ako ng may nagsalita sa likod ko na nagpatigil saakin.

"Anong trip 'to?" Wika niya sa likod kaya humarap ako doon. Hindi ko gaano maaninag yung mukha niya lalo na at sobrang lakas din ng buhos ng ulan, may bagyo siguro.

She's Unknown (Currently Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon