6

3.6K 111 2
                                    

Qane's POV

Tumatakbo ako ngayon paakyat lalo na at late na ako. Ayokong mahuli sa klase lalo na at yung terror na si Dracula yung prof namin. Paakyat na sana ako ng makita ko yung pinakapanget na unggoy na nakita ko. Oo, siya yung pinakapanget sa lahat, mas panget pa siya sa panget.

Nauuna siyang umakyat saakin kaya naman nagmadali akong umakyat para unahan siya. Tumingin ako sakaniya ng masama bago mauna. Sakto naman na papasok pa lang si Dracula kaya ibig sabihin hindi pa ako late.

"Muntikan kana doon tol ah" Bati kaagad saakin ni Brixton pagkaupo ko pa lang.

"Ganon talaga kapag gwapo tol, hindi nale-late" Sagot ko pero tumingin lang siya saakin at parang malalim na nag-isip bago tumingin sa unahan at bumulong.

"Anong connect nun?"

"Good Morning everyone, let's start, you know that I hate late---" Naputol ang pagsasalita niya ng walang katok katok na pumasok si unggoy.

"WHY ARE YOU LATE MS. PASCUAL!?" Galit na sigaw ni dracula lalo na at parang walang pake lang na pumasok etong si unggoy at tumingin sakaniya.

"Hindi tumunog yung alarm clock" Pabalang na sagot nito.

"Pffftt, gago talaga" Narinig kong bulong nung nasa likod ko. Yung magandang babae na kaibigan ni unggoy.

"Is it my fault na hindi tumunog yang alarm clock mo para pumasok ka ng late sa class ko?"

"Sinabi ko bang kasalanan mo?" Nag-woah naman mga kaklase ko miski 'tong mga tropa ko na nasa tabi ko. Even Christan, talagang binaba pa niya yung libro niya na binabasa para panoorin yung nangyayari. Ngayon lang kasi may sumagot dito kay Dracula.

"WATCH YOUR MANNERS MS. PASCUAL! THIS WILL BE THE LAST TIME THAT I WILL TOLERATE YOUR ATTITUDE AND THE NEXT TIME YOU DO IT, I'LL BE THE ONE TO GIVE YOU SOME PUNISHMENTS, UNDERSTOOD?"

"Yes"

"SIT DOWN! Mga kabataan ngayon mga wala ng galang. Go to page 31-40! Sagutan niyo yung pre-test doon!" Kaagad kaming nagsi-angalan dahil kakaumpisa lang ng klase nung nakaraan tas sasagutan kaagad namin yung pre-test.

"MANAHIMIK KAYO! KASALANAN NG ISA, KASALANAN NG LAHAT!" Inis ulit na sigaw niya bago nakahawak sa ulo na naupo. Syempre, kaagad na sinisi ng mga kaklase ko at nangunguna ako doon, si unggoy na walang pake naman na umupo at kinuha ang libro.

Unang nagpasa eh yung magandang palengkera na kaibigan ni unggoy, nagulat pa nga kami dahil wala pa sa kalahati yung oras pero tapos na siya.

"Hmmm, lahat ay tama. Magaling Ms.?" Mukhang matalino yung kaibigan ni unggoy.

"Brianna Castua po" Sagot nito.

"Kaibigan kaba ni Ms. Pascual?" Tanong ni Ma'am habang kami ay nakatingin lang sa unahan.

"Yes po"

"Pumili ka ng maayos ayos na  kakaibiganin" Sabi ni dracula habang inaayos ang papel niya.

"Hindi ko din naman po kailangan ng opinyon niyo sa pagpili ng kakaibiganin ko, salamat po" Sagot nung Brianna bago siya tumungo at bumalik sa upuan niya.

"I guess birds of the same feather, flocks together huh?" Parinig ni ma'am.

"What's with that Bri?"

"What! Bff goals yun Dem, bff goals" Pinagkadiinan pa nung Brianna yung huling salita. Umiling nalang ako bago sagutan ulit yung pinapasagutan ni ma'am. Matapos lang ng ilang minuto ay si unggoy naman yung tumayo.

She's Unknown (Currently Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon