Nanlambot ang aking tingin sa kanya. Gusto kong sabihin sa kanya na huwag masyadong mag-alala. Mayroon pa naman kaming panahon para makapaghanda. "Kara-"

"If those creatures already proclaimed war, then they're going to start one."

"Pakinggan mo nga ako-"

"No one's stopping them. We will try but it will take more than just the eight of us."

Hindi na ako nagsalita pa. Sinulyapan niya ako bago magpatuloy sa paglalakad. Iniwan niya akong mag-isang nakatayo sa gitna ng malawak na pasilyo. Pinalibutan ako ng mga estudyante pero sa sandaling 'yon, wala na akong nararamdaman na presensya.

Except mine, of course.

I snickered.

Kasi gano'n naman talaga 'yon eh. Kahit nung hindi pa ako napadpad dito, mag-isa lang naman ako... kaya bakit ba ako magugulat kung basta-basta nalang ako iniiwan ng iba, diba? Bakit ba ako masasaktan kung ayaw nila akong pakinggan?

Sarili ko ngang pamilya, iniwan ako. Sarili ko ngang ama, hindi ako pinapakinggan.

Kaya wala akong karapatang umasa na may makakaintindi sa'kin. I'm nothing but a hopeless case. I might as well stop existing.

But I'm too weak to hurt myself... and I'm too sca-

Pinigilan ko ang sarili ko na isipin ang salitang 'yon. Gods. I won't even attempt to say it in my mind, how much more say it out loud using my own mouth?

"Tsk!" Kinuyom ko ang aking mga palad.

• • •

Hinablot ko ang vase na nasa mesa at hinagis ito mula sa balcony. "This is bullshit!" Napasigaw ako para mailabas ang galit na dala ng mga masasakit na ala-ala.

"Fuck!" Bumabalik lang lahat ng pait! Ang hinanakit ko!

Napasabunot ako at muling napaiyak nang malakas.

Bakit ba kasi ang hirap?! Ang hirap lumingon sa nakaraan nang hindi ako nasasaktan?! Gano'n nalang ba ako kahina?! HA?!

Malalim at mabigat ang bawat hininga ko habang pinag-uukulan ng tingin ang mesa. Padabog akong lumapit dito at pinulot ito. "I HATE THIS LIFE!" Tinapon ko ito pababa ng balcony. Narinig ko pa ang pagkasira nito pagkarating sa lupa dahil sa lakas ng bagsak nito.

Kanina pa sumasakit yung ulo ko.

But who cares right?!

Ang gusto ko lang naman ay malaman kung bakit. Bakit pinapahirapan pa kami kahit hindi naman ito ang buhay na pinili namin.

It's not our fault that we were born to be responsible over something we have no control over. Like fuck! Sino bang may gusto ng buhay na'to ha?! Araw-araw nalang, may namumuong problema. And just when you think that it couldn't get any worse, saka darating ang mas masamang balita, ang mas mabigat na responsibilidad.

"P-Pagod na ako..." Tinuyo ko ang mga luha sa pisngi ko. "Pagod na ako!" sigaw ko sa kalangitan. "We've been putting up with your shit ever since we were born!"

Walang-tigil ang pag-agos ng mga luha ko. "I'm not afraid to curse y-you..." Umiling-iling ako habang nakatingala sa itaas. "Because you deserve it. Every single one of you deserves to know the pain we go through because we were born as your children."

My eyes slowly drifted to the ground. "Kaya kahit ngayon lang, tignan niyo naman kami bilang mga anak n'yo..." bulong ko. "-at hindi lang mga sunod-sunuran..."

Olympus Academy (Published under PSICOM)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ