40.

17.9K 271 34
                                    

Gianna's POV


Agad na bumaba kaming bumaba ni Dylan sa sasakyan ng maka pag park na kami. Late na kami ng ten minutes. Nang makapasok kami sa hotel and restaurant ay nakita namin si David nan aka halukipkip at nag salubong ang kilay.





''Sorry at late kami Sir.'' Sabi ko at agad na yumuko napatingin ako kay Dylan na busy lang tinitignan ang pagilid kaya naman agad kong hinila ang ulo n'ya para yumuko.





''Bakit tayo nag ba-bow? Koreano na ba tayo?'' bulong saakin ni Dylan tinignan ko naman s'ya ng masama at ngumisi lang s'ya.





Sabay naman kaming napalingon kay David ng huminga s'ya ng malalim. ''De Cordova bakit mo pa kasi naisipan na sumama dito tignan mo isa kang malaking distraction kay Gianna.'' Sermon ni David at nilayo ako kay Dylan.





Pero mabilis na nahuli ni Dylan ang braso ko at napigilan akong lumayo sa kanya. ''Assistan n'ya ako.'' Tumaas naman ako isang kilay ni David at pinalo ang kamay ni Dylan na naka hawak sa braso ko.





''Assistant ka lang pala. Bawal humawak baka magka virus si Gianna sa hawak mo.'' Sabi ni David at hinila na ako sa kusina at sumunod lang si Dylan saamin.





Pinakilala ako ni David sa mga nag tra-trabaho 'din sa kusina so far mababait naman ang lahat at ang mga makakasama ko sa dessert section hindi na pinakilala ni David si Dylan sa mga nagtra-trabaho doon.





Busy na akong nag iisip ng mga design ng mapansin na wala si Dylan sa kusina. Agad na tinanong ko sa babaeng katabi ko kung nakita n'ya ba si Dylan. ''Lumabas po s'ya Ma'am.'' Sagot n'ya tumango naman ako at ipinag patuloy ang ginagawa ko.






Pero ilang oras na ang nakakalipas ay wala pa 'din si Dylan kaya naman umalis muna ako at nag lakad palabas ng kusina. Busy at medyo madami ang tao sa hotel kaya naman nahirapan akong isipin kung nasaan si Dylan.





TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon