41.

17.7K 302 38
                                    

Gianna's POV


Nag mamadaling tumakbo ako papunta sa hotel dahil late na ako ng maka pasok na ako sa kusina ay binati ko lahat ng mga kasama ko. Nag punta na ako sa locker room at inilagay doon ang mga gamit ko.




Nag taka naman ako ng hindi ko nakita si Dylan sa paligid. ''Gianna.'' Muntik na akong mapatili ng marinig ang boses ni Sir David na nasa likod ko na pala. ''Yes Sir?'' tanong ko. Nakita ko naman na nag salubong ang kilay n'ya.





''Sabi ko David lang wag mo ng lagyan ng Sir anyways. Sumunod ka sa akin.'' Tumango naman ako at agad na sumunod kay David ng tumalikod s'ya. Habang palabas kami ay napapa tingin ako sa mga dumadaan baka andoon si Dylan.





Pero naka labas na ako ng opisina ni David ay wala man lang s'ya nangalumbaba na lang ako at nag isip ng magandang theme sa nalalapit na event sa hotel para sa mga bata. Ilang oras na ang lumipas pero wala pa 'din akong maisip haggang sa dumating ang oras ng uwian.





Pumunta na ako sa locker room at nag palit ng damit lalabas na sana ako ng kusina ng maalalang naka limutan ko na isara ang locker ko kaya naman pumasok ako doon at sinirado 'yon kasabay ng pag sara ko ng locker ko ay pag kapatay ng ilaw sa loob.





Napasinghap ako ng may maramdaman na may humawak saakin mula sa likuran ko kaya naman lumingon ako pero madilim mabilis na tumakbo ako sa pintuan pero napa tili ako ng may humablot saakin at idinikit ako sa pader.




''S-sino ka?'' kinakabahan na tanong ko.





Tumaas ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ang hininga n'ya sa leeg ko. ''Boom.'' Bulong ni Dylan kasabay ng pag bukas ng ilaw na nasa tabi pala namin.





Matalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya ng Makita ko ng malinaw ang mukha n'ya. Pero agad 'din naman akong nag iwas ng tingin dahil sa malapit pala ang mukha n'ya saakin bakit kasi parang mas guwapo ito ngayon.




O baka naman dahil ilang oras ko s'ya hindi nakita? Teka bakit ba andito pa s'ya?





TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Where stories live. Discover now