30.

23K 319 36
                                    

Gianna's POV



Namamaga ang mata na pumasok ako sa banyo nag hugas muna ako ng mukha at bago bumaba ay naglagay ng light make up. Lutang ang isip ko at habang pababa ako iniisip ko kung ano ba ang magiging reaction ko sa harapan ni Dylan.




Haggang sa nag punta ako sa kusina sabay sabay na tumingin saakin ang mga tao doon. Si Tita Lucia, Dylan at si Andrea na mukhang kakadating lang agad naman ngumiti saakin si Tita Lucia kaya naman lumapit ako at hinalikan s'ya.




''Sorry po Tita at late akong nagising.'' Sabi ko at hinalikan naman ako ni Tita Lucia sa pisngi.





''It's okay Hija.'' Nagtataka naman akong tumingin sa paligid dahil wala si Elijah. ''Si Elijah ba hija?'' tanong ni Tita Lucia agad naman akong tumango. ''Well mukhang may hang over pa ang isang 'yon katulad ni Dylan nag lasing daw kasi sila kagabi.''





Napatingin naman ako kay Dylan at mabilis 'din nag iwas ng tingin dahil sa hindi ko nagustuhan na view binigyan kasi ni Andrea ng halik sa pisngi si Dylan. Bigla ko naman naalala ang kagabi balak ko ng umalis dito.





Pero makakaalis ba ako kung may hang over naman ang kasama kong uuwi? Kung minamalas ka nga naman.





Natapos kaming mag almusal ay hindi pa 'din bumababa si Elijah kaya naman nagpasya ako na lumabas muna at pumunta sa may garden tahimik na nagbabasa ako pero nakaka ilang sentences palang ako ay biglang may kung sino ang umupo sa tabi ko.





''What do you want?'' malamig na tanong ko kay Dylan wala naman emosyon na mababasa sa mukha n'ya.




''Sasabihin mo ba kay Elijah ang nangyari kagabi?'' seryosong tanong saakin ni Dylan. Mahigpit naman na hinawakan ko ang binabasa ko. ''Look Gianna kapag sinabi mo ang nangyari kagabi siguradong magkakagulo.''





Hindi ko alam pero ito ang unang pagkakataon na sobrang gusto kong sapalin ang isang lalaki sa mukha kahit na gwapo pa. ''Then what do you want? Kalimutan ko ang nangyari? Mag kunwari na isang one night stand lang 'yon? O dahil sa sobrang kalasingan mo kaya nagawa mo 'yon? At kaylangan kong kalimutan 'yon?'' galit na tanong ko.

TBS : 5 (Dylan Connor De Cordova COMPLETED)Where stories live. Discover now